Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mark Herras hopes for "infinity and beyond" with girlfriend Nicole Donesa 

by Rachelle Siazon
Sep 1, 2019
Mark Herras's celebrity friends react to his show of affection for girlfriend Nicole Donesa.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial

Inihayag ni Mark Herras, 31, na masaya na ulit ang kanyang buhay pag-ibig sa piling ng girlfriend niyang si Nicole Donesa, 25.

Si Nicole ay nanalong Miss World Philippines Third Princess 2014 at napanood bilang supporting cast member sa katatapos na GMA-7 prime-time series na Bihag.

Noong August 25, ipinakita ni Mark ang ilang wacky pictures nila ni Nicole habang nakasakay sila sa kotse.

"To infinity and beyond," ang caption ni Mark na tila nagpahiwatig na gusto niyang magtagal ang kanilang relasyon ng dalaga.

Continue reading below ↓

Sa comments' section, biro naman ni Nicole sa nobyo, "Hehehe INFINITY WAAAARRRR!"

Ginamit din niya ang hashtags na "#iloveyou3000 #myironman"

Continue reading below ↓
Recommended Videos

MARK GETS TEASED BY FRIENDS

Ilan sa mga kaibigan ni Mark ay napa-comment sa pagiging sweet ng Kapuso actor.

"Asus," komento ni Paolo Contis na naglagay pa ng shocked emoji.

Continue reading below ↓

Sagot ni Mark, "ninong" daw si Paolo.

Tila hindi naniniwalang biro ni Paolo (published as is), "naku po! Ulol! Hahaha"

MARK'S BREAKUP WITH WINWYN

Nag-post naman ng ant emojis si Marco Alcaraz bilang reaksiyon sa ka-sweetan ni Mark.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Jason Abalos, "Ang tamiiiiiiiiiiissssssssss!!!!"

Ang huling nakarelasyon ni Mark ay si Reina Hispanoamericana 2017 titlist Winwyn Marquez.

Dalawang taon silang naging magkarelasyon, pero noong February 14, 2019, kinumpirma ni Winwyn na wala na sila ni Mark.

Mutual decision daw ang kanilang breakup.

Sa hiwalay na panayam kay Mark, sinabi ng aktor na dumating sa puntong "hindi na healthy" ang madalas nilang hindi pagkakasundo.

Continue reading below ↓

Gayunman, maayos daw silang nagkausap ni Winwyn bago sila naghiwalay ng landas.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras's celebrity friends react to his show of affection for girlfriend Nicole Donesa.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results