Joey Marquez does not regret having many children with different mothers; plans to marry again

by Jet Hitosis
Sep 2, 2019
Joey Marquez says he does not regret having many children with different mothers, but "kung mabubuhay ako ulit, hindi ko na babaguhin ang sarili ko, pero itatama kong mabuti para sa paningin nila." The actor, who is among the stars of new ABS-CBN series Pamilya Ko, airing on September 9, also considers getting married again.
PHOTO/S: Noel Orsal

Aminado si Joey Marquez na hindi dapat “tularan ng iba” ang pagkakaroon niya ng maraming anak sa iba’t ibang babae.

Sa kabila nito, iginiit ng 61-anyos na ama sa 16 na anak na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang buhay.

“Siguro nagpakasama man ako noon, patuloy na ako sa pagpapakabuti,” sabi ni Joey.

“Mas maganda yung masama ka na nagpakabuti, kaysa mabuti kang nagpakasama.”

Ito ay matapos aminin ni Joey na nakaka-relate siya sa role niya sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pamilya Ko.

Sa serye, gaganap si Joey bilang isang padre de pamilya, na sa kabila ng pagkakaroon ng mabuting asawa at walong anak ay nagawa pang makipagrelasyon sa ibang babae.

Sa grand media conference ng serye nitong Biyernes, August 30, inamin ni Joey na napagdaanan na niya ang parehong sitwasyon ng karakter niya sa Pamilya Ko.

Gayunman, nilinaw ng aktor na hindi niya pinlanong magkaroon ng maraming anak sa magkakaibang babae.

Continue reading below ↓

Sabi ni Joey, “Dahil sa pagiging bata ka, nagiging iresponsable ka.”

ADMITTING MISTAKES, TAKING RESPONSIBILITIES

Sinabi ng aktor at dating pulitiko na may aral na matututuhan ang kabataan ngayon sa naging karanasan niya noon.

“Dito ko natutunan na hindi pala dapat gawan ng excuse yung mga pagkakamali, dahil it’s a choice,” ani Joey.

“Dito mai-share ko rin sa mga kabataan—siguro humahanga, akala nila okay yung marami kang chick, maraming anak—na hindi ganun kadali.”

Aniya, mahalagang panindigan ng isang magulang ang mga responsibilidad sa kanyang mga anak.

“Mahirap magkaroon ng responsibilidad, lalo na kung hindi mo bibigyan ng oras at saka pagkakataon.”

Ibinahagi rin ni Joey kung paano niyang naituwid, bilang isang ama, ang mga naging pagkakamali niya noon.

“Etong aral siguro na nakikita natin na huwag gawan ng dahilan ang pagkakamali, gawan ng solusyon.

“At yung solusyon, kung papaano magiging mas mabuti at maging responsable sa mga pagkakamali mo na hindi na tularan ng iba.”

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Dinner with the family

A post shared by Joey Marquez (@tsong_marquez) on

Labinlimang taon nang annulled si Joey sa dating asawang si Alma Moreno, at nagsama sila sa loob ng 13 taon.

May apat na anak si Joey kay Alma, kabilang si 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez.

Panganay ni Joey si Jeremy Marquez sa dating asawang si Francesca Siron.

May dalawang babaeng anak din si Joey sa dating aktres na si Brenda del Rio.

NO REGRETS

Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Joey na wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari.

“Wala akong regrets.

“E, kasi kung magre-regret ako, mawawala yung isang anak ko, e.”

Giit pa ni Joey, “Lahat ng naging anak ko, bigyan ko naman ng oras para makapiling ko, dahil as a matter of fact nga, nasa akin lahat sila.

“So, kung mabubuhay ako ulit, hindi ko na babaguhin ang sarili ko, pero itatama kong mabuti para sa paningin nila.”

View this post on Instagram

New year bonding with my kids..

A post shared by Joey Marquez (@tsong_marquez) on

JOEY TO MARRY AGAIN?

Sa kasalukuyan, mag-aanim na taon na ang relasyon ni Joey sa kanyang girlfriend na si Malu Quintana.

Continue reading below ↓

Sa interview kay Joey sa Tonight With Boy Abunda nitong Huwebes, August 29, sinabi niyang bagamat napag-uusapan nila ni Malu ang kasal, dapat na “may approval” ng kanyang mga anak sakaling mag-aasawa siyang muli.

View this post on Instagram

Happy valentines

A post shared by Joey Marquez (@tsong_marquez) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Marquez says he does not regret having many children with different mothers, but "kung mabubuhay ako ulit, hindi ko na babaguhin ang sarili ko, pero itatama kong mabuti para sa paningin nila." The actor, who is among the stars of new ABS-CBN series Pamilya Ko, airing on September 9, also considers getting married again.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results