Gerald Anderson, Chie Filomeno almost had a car collision at race event

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2019
Gerald Anderson (left) and Chie Filomeno almost had a collision in a racing event this weekend. However, Chie stil figured in an accident after she lost control of the wheel. (Right photo) Chie's car after it hit the metal fence.
PHOTO/S: @andersongeraldjr @chiefilomeno on Instagram

Muntik nang magsalpukan ang mga minamanehong sasakyan nina Gerald Anderson, 30, at Chie Filomeno, 23, sa isang car-racing event nitong weekend.

Pero hindi pa rin nakaligtas sa aksidente si Chie nang mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang kotse sa race track at bumangga sa metal fence.

Ligtas na sa panganib ang GT member, pero masakit daw ang kanyang katawan dahil sa aksidente.

Sina Gerald at Chie ay dalawa lamang sa mga artistang lumahok sa Vios Racing Festival na ginanap sa Clark International Speedway (CIS) sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, nitong August 31, Sabado.

GERALD AND CHIE ALMOST HAD A COLLISION

Via Instagram, ibinahagi ni Gerald nitong Linggo, September 1, ang video clip kung saan muntik nang magbanggaan ang mga sasakyan nila ni Chie.

Sa video, mapapanood na nangunguna ang kotse ni Gerald (#4), pero dahil sa walang tigil na pag-ulan at madulas na race track, umikot ang kotse ni Gerald at huminto sa gitna ng track.

Continue reading below ↓

Mabilis namang paparating ang kotse ni Chie (#) 2 at makikita na muntik-muntikan na silang magbanggaan.

Caption ng aktor sa video: "#4 Gerald Anderson .. when you fall or lose your way .. do everthing you can to get back on the right track .. nice save chie @chiefilomeno"

Ni-repost din ni Gerald ang Instagram Story ng celebrity photographer na si Jun Sunga na nagdetalye sa insidente.

Continue reading below ↓

Lahad ni Jun:

“This was really crazy. Watching this will give you chills coz it was so close to a full speed head on collision.”

“@andersongeraldjr car #4 spun out.

“And @chiefilomeno car #2 was just trailing behind on full speed.

“They were side by side for a few seconds.

“Can’t imagine what they were thinking seeing each other face to face for a few seconds.

“Parang action movie lang pero in life life. Wild!”

Continue reading below ↓

CHIE FIGURES IN A RACING ACCIDENT

Kung nailagan ni Chie ang kotse ni Gerald, hindi pa rin ito nakaligtas sa sumunod na insidente.

Habang humaharurot ang mga sasakyan sa kasagsagan ng race ay makikita ang kotse ni Chie na nawalan ng kontrol at bumangga sa metal fence.

Maririnig sa background ang pagsalpok ng kotse at ang pagsigaw ng mga nanonood.

Continue reading below ↓

Ligtas naman sa panganib ang Star Magic artist dahil nakapag-post pa siya tungkol sa aksidente kinabukasan, September 1, Linggo.

Ibinahagi rin ni Chie ang video ng aksidente at larawan ng kotse, na wasak ang harapan dahil sa pagbangga.

Update ni Chie, “Woke up and my body is in so much pain, but I’m beyond grateful that I am alive and no one else got hurt.”

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin niya kung bakit patuloy niyang binabalikan ang sport na ito kahit na delikado.

“I still find myself coming back to this sport, the adrenaline rush it gives me is out of this world, it’s so hard to explain why we keep doing it despite the danger, pero pag mahal mo,mahal mo eh.

“I got into an accident (much worse than the last time, swipe to see it. First time experiencing aquaplane. I guess there’s always a first time for everything. Hehe!

“Tas nalaman ko lang sa Ambulance na 2nd na sana ako hahaha! It’s okay bawi bawi.) on Race 6 and wasn’t able to finish the race.

“It felt like the world was against me the whole weekend but that won’t stop me from doing what I am passionate about, I just have to move on from it—hit the restart button. Smile lang! See you on November for the next leg! No pain no gain. Hehe”

Continue reading below ↓

Sa comments section ay nagpaabot naman ng malasakit at pag-aalala ang celebrity friends ni Chie na sina Kim Chiu, Marjorie Barretto, Issa Pressman, Jinno Rufino, Daniel Matsunaga, Vivoree Esclito, Alora Sasam, at iba pa.

Continue reading below ↓

Samantala, noong Sabado rin ay napaulat ang pagkakaaksidente ni Troy Montero na kasali rin sa kaparehong race.

Patungong finish line na ang sasakyan ni Troy nang bumilis ang takbo nito at bumangga sa likod ng kotse ng fellow racer na si John Dizon.

Ligtas naman sina Troy at John mula sa panganib.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson (left) and Chie Filomeno almost had a collision in a racing event this weekend. However, Chie stil figured in an accident after she lost control of the wheel. (Right photo) Chie's car after it hit the metal fence.
PHOTO/S: @andersongeraldjr @chiefilomeno on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results