Michael de Mesa reveals reasons for coming back to the Philippines

by Rommel Gonzales
Sep 2, 2019
Michael de Mesa on Ang Probinsyano: “Actually, hanggang nagre-rate ang Ang Probinsiyano, the way it’s rating, at hanggang gusto ng tao, nandiyan pa rin kami, oo!”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Sa Pilipinas na muli naninirahan ang beteranong aktor na si Michael, na dati ay based sa Amerika.

Kuwento ni Michael, “I lived in the States for five years when I left, and then dire-diretso ako dun, mga tatlong taon.

"And then, the remaining two years, pabalik-balik na ako when I was already doing projects for GMA.

“2015, kami ng wife ko, we decided to stay here na.”

Ang misis ni Michael ay si Julie Reyes, na pinakasalan niya noong 2011.

Ang unang asawa ng aktor ay ang actress-director na si Gina Alajar, kung saan mayroon siyang tatlong anak na lalaki—sina Ryan, Gabby, at AJ Eigenmann.

Binitiwan na ni Michael ang dati niyang trabaho sa Amerika na may kinalaman sa medical and emergency rescue.

Bakit siya nagdesisyong manirahang muli sa Pilipinas?

"Ang dami kong offer, e!" bulalas ni Michael.

“Nahirapan ako yung pabalik-balik, that I have to go back every six months because of my green card so I really had to decide.

Continue reading below ↓

“And then, nag-usap kaming mag-asawa, at napag-decide-an namin na dito talaga kami.

“Na-realize ko rin na artista ako.

"Na-miss ko yung trabaho, na-miss ko yung mga friends ko dito. Ganun din naman yung wife ko, na-miss din niya yung buhay niya dito.

“So that’s what pushed us. And majority of my family is here!

“Ganun din kay Julie, majority of her family are here.

"So iyon, iyon yung mga nagtulak sa aming mag-decide .”

Kaya simula 2015 ay dito na sila nakatirang muli.

“Ako, masasabi ko since 2012, paganyan-ganyan, pabalik-balik na ako.

"And then permanently, when my wife came 2015, tuluy-tuloy na."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael sa mediacon ng pelikulang Marineros noong Agosto 28, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.

SOLO TOP-BILLING

Sa tagal na ni Michael sa showbiz, pinakaunang pagkakataon na solo top-billing siya sa indie movie na Marineros.

Continue reading below ↓

“Siyempre flattered! Hindi ko naman in-expect na gagawin iyan para sa akin.

"May nagtanong nga kung ni-request ko daw iyan, actually hindi e, sila lang talaga e,” nakangiting pahayag ni Michael.

“Sobrang nakakataba ng puso talaga! Siguro arrived na ako, arrived na,” at tumawa ang actor-director.

Sa direksiyon ni Anthony Hernandez (na gaganap din bilang Marigold), nasa Marineros din sina Ahron Villena, Jon Lucas, Jef Gaitan, Paul Hernandez, Alvin Nakasi, at Valerie Concepcion.

ANG PROBINSYANO

Masaya rin si Michael sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsiyano, na sabi-sabi ay tila hindi magwawakas.

“Trabaho yun, e.”

Biruan din na hindi mamatay-matay si Cardo Dalisay, ang karakter ng bidang si Coco Martin.

“Masaya! Mala-pusa ang buhay nun, e! Nine lives.

“Actually, hanggang nagre-rate ang Ang Probinsiyano, the way it’s rating, at hanggang gusto ng tao, nandiyan pa rin kami, oo!”

Continue reading below ↓

Maraming karakter na ang “namatay” sa kuwento pero si Michael ay nanatiling nasa show.

“Yung character ko kasi, parang, importante yung character ko in the sense na ako yung palaging nagbibigay ng payo kay Cardo.

"So, iba yung relationship namin ni Cardo sa istorya.

“So, I think, iyon din ang dahilan kung bakit nandiyan pa rin ako hanggang ngayon.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael de Mesa on Ang Probinsyano: “Actually, hanggang nagre-rate ang Ang Probinsiyano, the way it’s rating, at hanggang gusto ng tao, nandiyan pa rin kami, oo!”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results