Arci Muñoz explains why Gerald Anderson never courted her

by Rey Pumaloy
Sep 2, 2019
Arci Muñoz on what she thinks of Gerald Anderson: "Alam niyo po, yung parang… hindi ko dyudyowain. I admire him because he’s handsome, he’s tall, ang ganda ng katawan. Ginagamit ko na lang po yun sa eksena.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Naninindigan si Arci Muñoz na hindi siya niligawan ni Gerald Anderson nang magtambal sila sa mga pelikulang Always Be My Maybe noong 2016 at Can We Still Be Friends noong 2017.

Ayon kay Arci, malabong maging sila ni Gerald dahil “tropa” ang turing ng aktor sa kanya.

“Eto nga, napag-uusapan namin sa show, yung best friend ni Geh [Gerald], si Joe Black. Kasama namin siya sa show,” pagtukoy ni Arci sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Pamilya Ko.

“Sabi niya, "Alam mo, tinanong ko yung nag-viral na video na ‘hindi magpapabiktima.’"

“Tinanong raw niya si Geh kung bakit hindi [ako] pinormahan.

“Sabi niya [Gerald], ‘Pare naman, si Mona [palayaw ni Arci], pag nakasalubong ‘What’s up, bro?!’ Ganun na raw ako agad.

“Paano mo naman [liligawan]... trinopa, frinend zone na.”

Ayon pa kay Arci, karakter na niya ang kaibiganin ang mga lalaking nakakasama sa trabaho at iparamdam na “one of the boys” siya.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng 30-year-old singer-actress, “Cool naman po ako sa lahat.

“Kaya siguro cool ako sa mga girlfriends ng mga guys dahil alam nilang safe sa akin yung mga dyowa nila.”

Mas importante raw kay Arci ang friendship kaysa romantic relationship sa mga nakakatrabaho niyang male stars.

Aniya, “Kasi po, before I start anything, my mindset is that they’re my brothers, they're my friends.

“I don’t wanna ruin anything. I don’t want anything to be awkward.

“Like, pag kunwari naging kami, ‘tapos naghiwalay kami, ‘Dude, yung ex niya kasama ko.’ Alam mo yun, ang hirap.”

IS ARCI NOT ATTRACTED TO GERALD?

Hindi siya na-attract kay Gerald?

Matamang nag-isip si Arci bago sumagot.

Aniya, “Alam niyo po, yung parang… hindi ko dyudyowain.

“I admire him because he’s handsome, he’s tall, ang ganda ng katawan.

Continue reading below ↓

“Ginagamit ko na lang po yun sa eksena.”

Wala raw interes ni Arci na magka-boyfriend ng isang tiga-showbiz o artista.

“Hindi po masyado,” pakli niya.

“Gusto ko pong nasasakyan ang kaweirduhan ko.”

Sa mga panayam, kapansin-pansin na “Kuya” ang tawag ni Arci kay Gerald.

“Para lang ma-kuya zone, alam mo na!” sabay tawa nang malakas ng aktres.

“Yun ang tawag ko sa kanila, like si JC [Santos], ganyan, may mga tao sa paligid. Tinatanong, para kuya na lang, parang wala nang question.”

"HINDI MABIBIKTIMA"

Muling nilinaw ni Arci ang pahayag niya noon sa guesting nila ni Gerald sa Gandang Gabi Vice noong 2017, para sa promo ng pelikula nilang Can We Still Be Friends, na hindi siya “mabibiktima” ng aktor.

Muling lumitaw ang nasabing video nang masangkot sa kontrobersiya si Gerald dahil sa breakup nila ni Bea Alonzo at pagkakaugnay ng aktor kay Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Ayon kay Arci, walang kinalaman ang tila playboy image ni Gerald sa naging pahayag niya noon.

“Hindi po, Hindi po talaga” giit niya.

“Joke ko lang po yun nung sinabi ko sa Gandang Gabi Vice, joke lang po talaga yun.”

Samantala, hindi pa raw nakakausap ni Arci si Gerald tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ng aktor.

“Hindi po talaga kami nag-uusap, ayoko pong makialam sa kanila.

“Bigla na lang pong lumabas yung lumang video na yun. Pero hindi po talaga ako involved.

“Wala po talaga akong kinalaman diyan.

“May mga memes, pero hindi talaga ako involved,” pagtukoy ni Arci sa nag-viral muling video niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arci Muñoz on what she thinks of Gerald Anderson: "Alam niyo po, yung parang… hindi ko dyudyowain. I admire him because he’s handsome, he’s tall, ang ganda ng katawan. Ginagamit ko na lang po yun sa eksena.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results