Julia Barretto "moving forward" after controversy; finds an ally in Kyle Echarri

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2019
Kyle Echarri to Julia Barretto: "Glad to know you. You are one amazing & strong woman. Never let the ‘talks’ bring you down."
PHOTO/S: @juliabarretto @kyleecharri on Instagra

Ibinahagi ni Julia Barretto na nasa “moving forward” phase na siya at lahat ng taong involved matapos ang malaking kontrobersiyang kinasangkutan nitong mga nakaraang linggo.

Noong huling bahagi ng July 2019, pumutok ang isyung diumano’y pagiging third party ni Julia sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Mula noon ay hindi na tinantanan ng netizens at bashers ang tatlong Kapamilya stars.

Nakausap ng ilang entertainment reporters si Julia sa birthday celebration ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez sa Whitespace Makati, nitong Sabado, August 31.

Dito ay inusisa si Julia kung ano ang best lesson na natutunan niya sa buhay pagkatapos ng nangyari.

“The best lesson I’ve learned about life for how many years that I’ve been in the business siguro is to have compassion for other people,” sagot ni Julia sa video na in-upload ni Allan Diones sa YouTube.

Continue reading below ↓

Nagkomento rin ang reporters dahil tila masaya si Julia sa kabila ng mga isyung pinagdaanan niya.

Reaksiyon dito ng Kapamilya young actress, “I have a very solid and very strong support system.

"My family has been a big factor in the ­healing process and everyone’s moving ­forward na, di ba?"

JULIA FINDS AN ALLY IN KYLE ECHARRI

Nakahanap din ng kakampi si Julia sa ABS-CBN teen star na si Kyle Echarri, na nagpahayag ng message of support para sa aktres.

Idinaan ito ni Kyle, 16, sa isang Instagram post nito lamang weekend.

Nagkita ang dalawa sa birthday celebration ni Lorin.

Mensahe ni Kyle para kay Julia:

“Glad to know you.

“You are one amazing & strong woman.

“Never let the ‘talks’ bring you down.

“Not everyone will be willing to lend their ears but the truth will always be your greatest weapon.

Continue reading below ↓

“Never lose that beautiful smile. There are so many of us who want to see you happy. Thank you for everything.”

Sa sumunod na bahagi ng kanyang post, inilahad ni Kyle kung bakit ipinagtatanggol niya si Julia.

Ayon sa Kadenang Ginto star, kinamumuhian niya ang mga taong nanghuhusga at hindi nirerespeto ang mga babae.

“You can judge me however you’d like for simply being a good friend and I don’t mind that, my friends know how I am with them.

“But I despise people who judge women and disrespect them just because they feel they are entitled to say whatever they want not thinking of how it’ll affect others and worst, judging & making assumptions even when they don’t personally know them.

“It’s not a good habit, it is rude and really a representation of who they are.

Continue reading below ↓

“Learn to respect. It is not hard to do.”

Naka-like ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto sa post ni Kyle, at nag-post din ng pasasalamat sa binata ang nakababatang kapatid ni Julia na si Leon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Echarri to Julia Barretto: "Glad to know you. You are one amazing & strong woman. Never let the ‘talks’ bring you down."
PHOTO/S: @juliabarretto @kyleecharri on Instagra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results