Valeen Montenegro chooses to ignore bashers

by Rommel Gonzales
Sep 3, 2019
Valeen Montenegro on ignoring bashers: "Kasi parang feeling ko, talo ako kapag inano ko sila, e. Parang it just gives them an edge pag pinansin ko pa sila. Hindi ko naman sila kilala."
PHOTO/S: Noel Orsal

Mabangis at matapang ang karakter ni Valeen Montenegro sa bagong Kapuso primetime series na Beautiful Justice.

Sa tunay na buhay, gaano ba siya katapang?

“Hindi po talaga!” tumatawang bulalas ni Valeen.

“Hindi po talaga ako matapang. Hindi ako confrontational na tao.

“Pero competitive po akong tao so it’s… good competition, I suppose.”

Hindi rin siya lumalaban sa bashers.

“Hindi po, kasi parang feeling ko, talo ako kapag inano ko sila, e.

"Parang it just gives them an edge pag pinansin ko pa sila. Hindi ko naman sila kilala.”

Saang pamba-bash siya pinakanasaktan?

"Nothing! Parang wala," sagot ni Valeen.

"I think I’ve forgotten about it, kasi it’s just opinion of others, na it doesn’t really matter.

"If it hurt me, then siguro puwede siyang maging totoo. Di ba?

“So ito, hindi siya valid, e, kasi hindi ko naman po kilala yung mga tao.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valeen sa grand mediacon ng Beautiful Justice noong August 27, Martes sa Le Revé Events and Party Place sa Quezon City.

VALEEN'S NEW BOYFRIEND

Never pa siya naka-encounter ng kaaway o kagalit niya na kinumpronta niya?

“Hindi po yung sa way na inaaway. It’s confronting na, ‘Hey, let’s talk about this. I want to fix this now like adults.’

Wala bang sumubok na agawan siya ng boyfriend at inaway niya?

“Wala po. Wala naman po.”

May bagong boyfriend si Valeen, isang director of photography ng commercials.

Schoolmate ni Valeen sa college ang kanyang boyfriend.

“We were super-close friends before tapos nag-reconnect lang kami.”

Isang taon na ang kanilang relasyon. Nine years naman ang relasyon ni Valeen sa kanyang ex-boyfriend.

“I guess whatever happened, happened, it’s bound to happen.

Continue reading below ↓

"We’re both in better places now so, ganun talaga ang life!"
Nananatili raw silang magkaibigan ng kanyang dating karelasyon.

VALEEN TAKES PRIDE IN SUCCESS OF ALDEN

Mainstay pa rin si Valeen sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya, kung saan kasama si Alden Richards na matagal na niyang kaibigan.

Ano ang masasabi ni Valeen na ang kaibigan niyang Pambansang Bae ay sikat na sikat na ngayon?

“Alam mo, sobrang nakaka-proud! Kasi pagkakakilala ko kay Alden, sikat na siya, e.

"My God, may isisikat pa pala siya! Di ba?

“And you can’t help but feel happy of how blessed he is kasi deserved niya yun. Iyon talaga.”

Hindi raw nagbago ng pakikitungo sa kanya si Alden.

“Hindi! Walang echos talaga as in off-the-record man yan, hindi talaga.

“Mas busy lang siya ngayon 'tsaka mas gutom!” at tumawa si Valeen.

Continue reading below ↓

“Kasi, lagi kaming ano, kapag nagkikita kami, lagi siyang kumakain, may something to munch on.

"Maybe kasi siyempre pagod din, di ba, when you’re tired, di ba? Ganyan.

“Nothing’s changed. And he gives you a vibe na parang he’s happy na nakikita ka niya and ka-work ka niya.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valeen Montenegro on ignoring bashers: "Kasi parang feeling ko, talo ako kapag inano ko sila, e. Parang it just gives them an edge pag pinansin ko pa sila. Hindi ko naman sila kilala."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results