Is Kapamilya star Ryle Santiago courting Kapuso actress Pauline Mendoza?

by Rose Garcia
Sep 2, 2019
Ryle Santiago on Pauline Mendoza: "Game lang siya, chill lang siya. May isang beses na kumain kami nang marami, 'tapos nagperya. Kahit hilung-hilo na siya, game pa rin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

Kung dati ay nali-link si Ryle Santiago kay Kira Balinger, ngayon ay sa Kapuso actress na si Pauline Mendoza na ngayon nauugnay ang Kapamilya actor-dancer.

Ayon kay Ryle, “Magkasama kami ni Pauline sa endorsement at marami kaming interes na pareho kaya madalas kaming magkasama sa concert.

"Parehas kami ng mga bandang gusto."

Continue reading below ↓

Mabilis na “hindi pa” ang sagot ni Ryle nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nililigawan na ba niya si Pauline.

Dagdag niya, “Hindi ko naman sinasabi na hindi ko gagawin at hindi ko rin sinabing hindi ko pa ginagawa o hindi mangyayari, at hindi ko rin sinasabing mangyayari.

"Pero natuto na ako sa ganyan!

“Hindi naman ako nagmamadali, 20 pa lang ako.

"Wala rin naman kapupuntahan ang buhay ko kapag nagmadali ka."

Nakikita ba niya kay Pauline ang mga katangian na gusto niya sa isang babae?

“Oo naman, game lang siya, chill lang siya.

"May isang beses na kumain kami nang marami, 'tapos nagperya. Kahit hilung-hilo na siya, game pa rin.”

Nakausap ng PEP.ph si Ryle sa renewal of contract niya bilang Cherub Baby Care Products ambassador nitong Agosto 31, Sabado, sa Oriental Palace Restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

WHAT HAPPENED TO HIM AND KIRA?

Sila ni Kira ang dating “item.” Malapit din ang kani-kanyang pamilya.

Anong nangyari sa kanilang dalawa?

“Ayokong maging hadlang sa future niya,” tahasang sagot ni Ryle.

“If people around her thinks that it’s not good for her na magkaroon ng relasyon kami, I respect that and okay kami.”

Dagdag ni Ryle, “Nagkita kami noong Tuesday and ako ang nag-interview sa kanila.”

Posible bang masundan ang nasimulan na nila ni Kira.

“Who knows in the future, di ba? Nakasulat na ang mga tadhana natin.

"Ang Diyos na ang nakakaalam niyan, so...”

Chill na lang din siya sa mga bagay-bagay at relasyon.

“Pagod na ko sa mga bagay,” sambit ni Ryle.

“Ang hirap din kapag araw-araw kang nagtatrabaho, para kang nag-oopisina. Marami ka ring pagdadanan.”

Sa love life, pagod na rin siya?

“Medyo,” pag-amin niya. “Hindi ‘yan hinahanap, darating ‘yan.”

Continue reading below ↓

HASHTAGS AND VICE

Nakikita ng Hashtags member na si Ryle na may mga nawawala, may lumilipat sa ibang network sa grupo nila.

“Siyempre, hindi naman forever ang Hashtags,” sabi niya.

“Darating ang punto na everybody has to move on. Siguro, napaaga lang yun sa kanila.

"Happy naman ako kasi buhay pa rin sila, lumalaban, happy naman ako sa kanila.

“Pero siyempre, darating din sa amin, sa natitirang members that we will have to leave or madi-disband.

"Siyempre, management decision din. Hindi naman lahat, sa amin ang desisyon.”

Ilang miyembro ng Hashtags members ang na-link noon kay Vice Ganda, kagaya nina Ronnie Alonte at Zues Collins. Pero si Ryle ay hindi.

Paliwanag ni Ryle, “Kasi, hindi ako palalabas, palagi lang akong nasa bahay.

"Nagtatampo minsan si Meme [Vice] kapag may party siya, hindi kami nakakapunta. Nagagalit yun.

“Kapag may something na alam namin, kailangang pumunta.”

Lumaki si Ryle na napaka-close nilang pamilya at open din siya sa mga magulang na sina Sherilyn Reyes at Chris Tan. Hindi nawawala ang paggabay ng mga ito sa kanya.

Continue reading below ↓

“Oo, at saka alam din kasi nila na maaga akong antukin,” pag-amin ni Ryle.

“Actually, maaga akong antukin kapag nasa labas.

"Pero kapag nasa loob ako ng bahay, gising ako.

"Kapag nasa labas ako, like mga party, 11 P.M. pa lang, inaantok na ako.”

IS RYLE STILL A BABY?

Nalilimitahan ba ang mga puwedeng gawin at kailangang ipakita ni Ryle dahil sa kanyang wholesome image?

“Actually, ang alam ko, kailangang medyo baby pa rin.

"Hindi ipinagbabawal, pero ayoko rin na magkaroon ng conflict of interest.

“Inaalagaan ko na lang din ang image ko, kumbaga, yung brands.

"Yung daring, ‘wag na muna. Mukha pa rin naman akong bata.”

Tinanggihan ni Ryle ang digital series na Mga Batang Poz, na mapangahas ang tema at mga eksena.

“Kasi, sobrang napaka-daring naman talaga ng Mga Batang Poz. To be honest, I’d love to be part of it sana.

Continue reading below ↓

“Pero sabi ni Daddy, siyempre nauna na yung mga brands na kailangan, wholesome.

"And I’ll be skiping a great part of my career kung tumalon ako dun, sayang naman.

“At saka, darating din naman po ako dun.

“Ako naman, hindi naman ako choosy sa role dahil siyempre, buhay ng isang tao ang pino-portray mo.

"Sino ba naman ako para humindi?”

Sa tamang panahon, keri niya ang gay roles at intimate scenes sa kapwa actor?

“Feeling ko, kaya ko naman,” sambit ni Ryle.

“Tao lang din naman ako, tao lang din naman sila.

"What makes me better sa kanila? What makes them better?

“Pantay-pantay lang naman kami. Kinukuwento ko lang ang kuwento nila.”

Maliban sa pag-aaral, digital shows ng It’s Showtime ang pinagkakaabalahan ni Ryle. Nandiyan ang One Music Popsss at Wander Jam.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryle Santiago on Pauline Mendoza: "Game lang siya, chill lang siya. May isang beses na kumain kami nang marami, 'tapos nagperya. Kahit hilung-hilo na siya, game pa rin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results