Sunshine Dizon admits "very complicated situation" with husband Timothy Tan

by Rose Garcia
Sep 4, 2019
Sunshine Dizon on estranged husband Timothy Tan: “Basta, kung ano ang makakabuti para sa mga anak namin, okay kami. Nandoon na kami sa punto na wala kaming masyadong pinagdidiskusyunan. Basta, maayos kami.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagpapasalamat si Sunshine Dizon sa tiwala sa kanya ng GMA News & Public Affairs na siya ang maging bida sa Wagas Presents Throwback Pag-ibig.

“Salamat, thank you very much to GMA News & Public Affairs for the trust that they have given me.

"Masaya naman po ako kasi, palaging maganda naman ang working experience ko with GMA News & Public Affairs.

“Marami na rin akong nagawang kuwento sa Wagas, sa Tadhana, sa Wish Ko Lang.

"I’m very honored na na-consider po ako."

Paborito raw kasi at mataas ang ang pagtingin sa kanya ng mga misis kaya siya ang napipili sa mga ganitong kuwento.

“Ay, salamat naman po, salamat!” reaksiyon ni Sunshine.

“Siyempre naman, we always try our best to give them something new to look forward, di ba?”

May maipapayo ba siya sa mga misis na napapa-throwback pag-ibig din?

“Sabi nga nila, the advice that you give is not the advice that you always follow!” natawang sabi ni Sunshine.

Continue reading below ↓

“Pero ultimately in life, kung ano ang tingin mong tama para sa pamilya mo, para sa ‘yo at ikakasaya mo at ng mga anak mo, at wala naman kayong ibang taong nasasaktan, go for it, di ba?

“If there is a chance to reconcile and fix your past, mas okay yun na walang bitterness.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa presscon ng Wagas Presents Throwback Pag-ibig noong August 29, Huwebes.

REAL-LIFE EXPERIENCE

Natuto si Sunshine sa mga pinagdaanan niya kung saan naging masyado siyang open sa mga nangyari sa marriage at family life niya.

Ayon sa Kapuso actress, “Hindi ako makapagsalita personally about my life.

"Kasi, ang status ko, magulo pa rin.

“So, I’m not the right person to give advice.

"But ultimately nga, in all aspects, my children are happy. They’re okay.

"So, sa aspetong yun, baka puwede ninyo akong gayahin.

Continue reading below ↓

“Pero sa ibang aspeto, I don’t think I’m the right person.”

Sila ng mister niyang si Timothy Tan ay co-parenting pa rin sa dalawang anak nila na sina Doreen at Anton.

Basta, kung ano ang makakabuti para sa mga anak namin, okay kami,” sabi ni Sunshine.

“Nandoon na kami sa punto na wala kaming masyadong pinagdidiskusyunan. Basta, maayos kami.”

Magkaibigan ba sila ng nakahiwalayan niyang mister na si Timothy?

“I cannot say that we’re friends,” pag-amin ni Sunshine.

“I cannot say kasi very complicated pa rin ang situation.

"Basta, maayos kami for our children. For now, okay na muna yun.”

IS THERE A CHANCE FOR A RECONCILIATION?

Malalaki na ang dalawang anak nina Sunshine at Timothy. At pareho silang nakikita at nakakasama ng mga ito.

May pagkakataon bang nagsabi ang mga ito sa kanya na magbalikan na lang sila ni Timothy?

Continue reading below ↓

“Honestly, wala namang mga ganung tanong o sinasabi.

"Pero naniniwala ako na walang bata na may gustong hindi okay ang pamilya.

“Ako, I also came from a broken family. My mom and dad separated.

"My father is in the States and my mom is here.

“Ultimately, may longing ka,” seryosong pakli ng aktres.

Naniniwala si Sunshine na sa kabila ng nangyari sa pagsasama nila ng mister niya, maayos ang mga anak nila at naiintindihan ang situwasyon.

“I want to believe na emotionally secure at napalaki ko sila nang tama,” sabi ni Sunshine.

Hindi siya nagtago ng katotohanan sa mga anak.

“And hindi ako yung old-school thinking na, ‘Ay! Huwag nating sabihin, baka masaktan.’

“Hindi ako ganun, e. I’d rather they know para pagtanda nila, wala nang tanong.”

Walang matandaan si Sunshine na binalikan niyang relasyon, kahit sa mga naging boyfriend niya dati.

Continue reading below ↓

“Parang wala. Lahat ng tinapos ko, tinapos ko na,” pagdidiin niya.

Pero siya na rin mismo ang nagsabing ibang situwasyon ang boyfriend mo pa lang at asawa mo na.

Nagsimula nang mapanood ang Wagas Presents Throwback Pag-ibig noong September 2, Lunes, bago mag-Eat Bulaga! sa GMA 7.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon on estranged husband Timothy Tan: “Basta, kung ano ang makakabuti para sa mga anak namin, okay kami. Nandoon na kami sa punto na wala kaming masyadong pinagdidiskusyunan. Basta, maayos kami.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results