Does Dennis Padilla approve of Gerald Anderson courting Julia Barretto?

by Bernie V. Franco
Sep 4, 2019
Dennis Padilla to Gerald Anderson: "Kailangan irespeto niya ako di lang dahil tatay ako ni Julia, kundi dahil mas senior akong artista sa kanya and I deserve it."
PHOTO/S: Noel Orsal

"Wala pa.”

Ito ang sagot ni Dennis Padilla, 57, nang hingan ng update kung nag-text na sa kanya si Gerald Anderson, 30.

“Nagtataka nga ako bakit ang tagal, e," dugtong ng komedyante sa ulat ng ABS-CBN News nang makausap ito sa premiere night ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo nitong Lunes, September 2.

Kasunod ito ng pag-amin ni Dennis noong nakaraang linggo na hindi na sumasagot si Gerald sa kanyang text messages.

Inamin ni Dennis sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong August 28 na nakaka-apat na text messages na siya sa Kapamilya actor, pero wala siyang natatanggap na reply.

May kinalaman pa rin ito sa pagkaka-link ni Gerald kay Julia Barretto, anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

Sa presscon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo noong August 20, kinumpirma ni Dennis na una siyang nakipag-ugnayan kay Gerald sa kasagsagan ng kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

Nag-text si Dennis kay Gerald dahil nadadawit ang anak na si Julia sa paghihiwalay ng aktor at ni Bea.

Tumawag daw si Gerald pagkalipas ng 45 minuto at nagkausap ang dalawa.

Umiral ang pagiging ama ni Dennis at pinaalalahanan si Gerald.

Tinanong din daw niya si Gerald kung nililigawan niya si Julia.

Sa ulat ng Cabinet Files, inamin daw ni Gerald kay Dennis na nililigawan niya si Julia.

DENNIS HAS A MESSAGE fOr GERALD

Sa interview ni Dennis sa premiere night ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, nilinaw niyang wala siyang nararamdamang galit kay Gerald.

Pero may hiling daw siya sa aktor.

"Kailangan irespeto niya ako di lang dahil tatay ako ni Julia, kundi dahil mas senior akong artista sa kanya and I deserve it.

“Sperm pa lang siya, artista na ako," pahayag ni Dennis.

Inusisa rin si Dennis kung payag ba siya kung magdesisyon man si Gerald na ligawan si Julia.

Continue reading below ↓

"Tatanungin ko muna si Julia kung ano ang magiging reply.

“Ngayon kung ano ang magiging reply ni Julia, susuportahan ko yun," sagot ni Dennis.

Sa August 22 interview ni Julia kay MJ Felipe, nilinaw ng aktres na hindi siya nililigawan ni Gerald.

Mariin niyang itinanggi na boyfriend na niya si Gerald.

"Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi," sabi pa ng aktres, bilang pagtanggi sa akusasyong siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Bea at Gerald.

Pero inamin din ni Julia sa interview na si Gerald ay “nananatiling matalik kong kaibigan ngayon.”

Hindi rin isinasarado ng aktres ang posibilidad na ligawan siya ni Gerald in the future.

"Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan,” sabi ng aktres.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla to Gerald Anderson: "Kailangan irespeto niya ako di lang dahil tatay ako ni Julia, kundi dahil mas senior akong artista sa kanya and I deserve it."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results