Ahron Villena denies having rich, gay benefactor

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2019
Ahron Villena on gay-benefactor rumors: "Actually, hindi mamatay-matay 'yang issue na 'yan, pero to be honest, wala po! Kung meron po talaga, alam mo sa totoo, hindi na ako mag-aartista talaga."
PHOTO/S: Ahron Villena Instagram

Tahasang itinanggi ni Ahron Villena na mayroon siyang mayamang gay benefactor na kasa-kasama sa pagliliwaliw sa iba’t ibang bansa.

“Naku, kung meron po talaga, hindi na ako magtatrabaho!” bulalas ni Ahron.

“Actually, hindi mamatay-matay 'yang issue na 'yan, pero to be honest, wala po!

"Kung meron po talaga, alam mo sa totoo, hindi na ako mag-aartista talaga.

“Parang, okay, hihiga na lang ako sa pera, why not, di ba? Nakakalabas ako, ganyan-ganyan.

“Kaya nga yung last time na may travel ako, yung puntang Dominican Republic namin, it’s a treat for the endorsers of Flawless Beauty & Skin, iyon pong ini-endorse ko na skin clinic.

“Tinreat kami sa Dominican Republic, as in ang dala ko lang po nun, two hundred dollars, hindi pa naubos.”

E, ang past travels niya?

“May ipon naman ako nun.

"And sabi ko nga, sabi nga nila, ang daming nagsasabi, ‘Ay, si Ahron ba, puwede? Wala naman ata, e. Out-of-the-country ata.’

Continue reading below ↓

“Laging ganun yung thinking.”

Puwede na ano?

“Yung kunyari, for example, may mag-i-inquire sa akin for a soap, wala daw ako, ‘Ay, hindi puwede si Ahron, wala raw, parang ayaw naman atang magtrabaho.’

“E, andito lang naman ako! Parang minsan, alam mo yun, minsan parang nakakatampo, especially like sa ABS-CBN talaga, ang dami kong friends na EP [executive producers], mga ganun, but I’m still friends with them naman.

“Wala naman akong, 'no, but... iyon nga, sabi ko, bakit ganun lagi yung thinking?”

Kasi nga, nakikita ang travel posts niya kaya iniisip palagi na wala siya sa Pilipinas.

“Nung last time nag-post ako, mga late post, sabi nga sa akin, lagyan mo kasi ng late post, so nilalagyan ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron sa mediacon ng indie film na Marineros noong Agosto 28, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Scout Tuazon St., Quezon City.

Continue reading below ↓

ON HANDLING INDECENT PROPOSALS

Halimbawang may super-rich gay na aalukin siya, indecent proposal kumbaga, paano niya ito iha-handle?

“E, kasi, dati pa naman po 'yan nung nag-i-start ako, meron talagang indecent proposals, meron talaga, meron talaga.

“Wala, sinasakyan ko lang.

"Sometimes, nagbibigay sila but not totally sponsor na parang, ‘O, ikaw talaga, akin ka,’ no.

“May nagbibigay, yes, na walang kapalit. Meron talaga.”

Ano na ang pinakamalaki o mahal na bagay na natanggap niya mula sa isang bading na walang kapalit?

“Hindi ko alam, parang gamit ata.”

Kotse?

“Hindi naman kotse, wala, wala nga, sana nga e, cellphone lang ata.

“Pero matagal na yun, bata pa ako nun, 20, mga ganun pa lang ako nun.

“Siyempre, that time, bata ka pa e, di ba?”

Bakit hindi siya natutukso na tumanggap ng indecent proposal mula sa mga bading?

“Siguro, that time kasi, ang dami ko pang trabaho rin!” at tumawa ang binata.

Continue reading below ↓

“Sunud-sunod yung work ko nun, e! So hindi ko naiisip, kumbaga busy rin ako sa…

"Ngayong tumanda na, wala na kasi nga, andami nang bago,” at tumawa muli si Ahron.

Samantala, isa nang Kapuso ngayon si Ahron.

Kasama sa cast ng upcoming GMA drama series na Madrasta na pagbibidahan nina Arra San Agustin, Juancho Trivino, at Thea Tolentino.

Lovers sila rito ni Thea at parehong kontrabida sa istorya.

Tumawid na si Ahron sa GMA-7 noon nang sumali siya sa Survivor Philippines Celebirty Showdown (2010).

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahron Villena on gay-benefactor rumors: "Actually, hindi mamatay-matay 'yang issue na 'yan, pero to be honest, wala po! Kung meron po talaga, alam mo sa totoo, hindi na ako mag-aartista talaga."
PHOTO/S: Ahron Villena Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results