Christian Bautista has no issue with Mark Bautista's sexual orientation

by Arniel C. Serato
Sep 4, 2019
Christian Bautista (left) on Mark Bautista: "I was one of the firsts who texted him, ‘Hey, you okay? I’m here as your friend.’ Parang ganun. He would tell me that as well."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @iammarkbautista on Instagram

Matagal nang magkaibigan sina Christian Bautista at Mark Bautista.

Nagkasama sila mula pa sa ABS-CBN hanggang sa lumipat sila sa GMA Network, at ngayon ay magkasama sa Kapuso musical-variety show na Studio 7.

Nagulat ba si Christian noong nagtapat si Mark sa publiko na isa siyang bisexual?

Nakangiting tugon ng Asia’s Romantic Balladeer, “Tagal na, wow!

“I was one of the firsts who texted him, ‘Hey, you okay? I’m here as your friend.’

“Parang ganun. He would tell me that as well.

“And wala akong isyu, wala akong isyu sa ganun.

“Alam ko kasi na parang it was a hard time for him, e, nung time na yun.”

Pebrero 2018, naging malaking isyu ang pag-amin ni Mark na siya ay bisexual sa pamamagitan ng kanyang librong Beyond The Mark.

Bahagi ng pahayag ni Mark sa kanyang libro: “I love both sexes and, if given the chance, I would love to have kids and settle down and have a family...

Continue reading below ↓

“I will just go where my heart takes me.

“If I end up with a woman, then great.

“But if my heart leads me to a man, then I would embrace that...”

Ayon naman kay Christian, kahit hindi gay ang isang artista, basta’t single ito sa matagal na panahon, pinagdududahan itong miyembro ng LGBT community.

“Lahat naman, lahat. So, parang it’s nothing new.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa pocket presscon ng The Clash Season 2 judges kagabi, September 3, sa Studio 7 ng GMA Network Annex, Quezon City.

Bukod kay Christian, magbabalik din bilang hurado sa singing search ng GMA-7 sina Lani Misalucha at Ai-Ai delas Alas.

Sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang pumalit kay Regine Velasquez bilang Clash Masters, habang sina Ken Chan at Rita Daniela naman ang magsisilbing journey hosts.

Continue reading below ↓

CHRISTIAN, THE "STRICT" JUDGE

Ngayong magbabalik na ang Season 2 ng The Clash, hindi nagpapatinag sa bashers si Christian.

Noong Season 1, lagi siyang binabato ng mga salitang “nagdunung-dunungan, naggagaling-galingan” daw siya sa show.

Natatawang reaksiyon dito ng Kapuso singer, “More, galingan pa more. Galingan pa more, please!

“Gusto kong galingan pa kasi gusto kong gumaling lahat ng mga Clashers.

“Ayokong masyadong mabait para lang ang mga output ng mga Clashers, e, wala lang.

“Gusto ko sila lahat gumaling."

Paliwanag pa ni Christian, "And hindi ko naman sila binabastos, hindi ko sila dini-demean, hindi ko sila pinu-put down.

"Sinasabi ko lang yung feeling ko as one of the judges na, 'I think dapat ganito yung gawin mo para mas gumaling ka pa.'

"Kasi kung bineybi namin sila noon, hindi sila matututo."

Ang isa pang ibinabato kay Christian ay masyado raw siyang istrikto sa mga Clashers.

Paliwanag niya, "Strict, serious.

"Ano lang, I take my job seriously.

Continue reading below ↓

"Meron ding nag-tweet sa akin na, 'Buti ka pa at least sinasabi mo yung totoo kaysa sa sinu-sugarcoat mo.'

"So, bihira ako tumawa, bihira ako. Pero kapag gumagaling, wala na ako iba masabi, galing."

Mapapanood ang The Clash Season 2 sa GMA Weekend Primetime simula sa September 21.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista (left) on Mark Bautista: "I was one of the firsts who texted him, ‘Hey, you okay? I’m here as your friend.’ Parang ganun. He would tell me that as well."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @iammarkbautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results