Bea Binene evades questions about non-showbiz boyfriend

by Rommel Gonzales
Sep 5, 2019
Bea Binene on working with Beautiful Justice co-star Yasmien Kurdi: Siyempre ano, pressured, and at the same time, masaya! Kasi si Ate Yas, hindi niya sa ’yo pinaparamdam yung parang senior, seniority or dahil mas matanda or something. Talagang parang barkada kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Panay ang iwas ni Bea Binene nang kumustahin ang kanyang love life.

“Okay naman. Next question, please. Happy naman po,” matipid niyang sagot nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand mediacon ng Beautiful Justice noong Agosto 27, Martes, sa Le Revé Events and Party Place sa QC.

Non-showbiz ang bagong boyfriend ng Kapuso actress.

“Happy naman po.”

Bakit tila hindi siya proud sa kanyang karelasyon?

“Hindi naman ano e, hindi proud agad?

"Hindi naman ano, basta ano lang. Kalma-kalma lang, ganun.”

Gaano na sila katagal?

“Basta.”

Basta masaya si Bea.

“Opo, happy naman po ako, happy naman.”

ACTION SCENES IN BEAUTIFUL JUSTICE

Nagsanay si Bea sa gun shooting at Krav Maga para sa bagong Kapuso primetime series na Beautiful Justice.

Ang espada na gamit niya sa taping ay kanya mismo.

“Nagwu-Wushu po kasi ako, di ba, iyon yung ginagamit ko, akin talaga yun, pinadala talaga ni Direk Mark [Reyes]."

Continue reading below ↓

May dahilan kaya nag-Wushu si Bea noon pa man kahit wala pa ang Beautiful Justice.

“Para po pumayat, 'tapos nagustuhan na.

"Tagal na po iyon, ilang taon na, eleven, twelve? Pero hindi na po ulit.

“Kasi, kapag nagwu-Wushu, kailangan, bukod sa kumunat na ang aking mga kasu-kasuan… kailangan kasi flexible ka, like, kailangan sa training mo dun every day.

“Kasi, parang tatlong araw lang, sobrang laking difference na yung mangyayari sa performance mo, parang ganun.”

Game agad si Bea nang malaman na tatlo sila nina Gabbi Garcia at Yasmien Kurid na mga bida sa Beautiful Justice

“Kasi ang ganda. Like, kahit po yung story, ang ganda!” sambit ni Bea.

Nakasama ni Bea si Gabby noon sa Sunday All Stars. Unang beses na nagkatrabaho sila sa teleserye.

Kuwento pa ni Bea, “Si Ate Yas, bukod sa StarStruck... kasi after StarStruck 1 [2003], StarStruck Kids [2004] naman.

Continue reading below ↓

"So, parang dati, ang nagge-guest sa StarStruck Kids namin, talagang yung StarStruck batch 1. So iyon, talagang nagkaano kami.

“Pero ngayon lang kami naging close talaga.

“'Tapos nung nag-Yagit ako before, nag-guest ako sa Yagit [2015], e, siya yung bida dun, so nagkasama kami dun.”

Si Yasmien na dati ay mentor lamang ni Bea sa StarStruck ay ka-level na niya ngayon sa role at billing ng Beautiful Justice.

Reaksiyon dito ni Bea, “Siyempre ano, pressured, and at the same time, masaya!

"Kasi si Ate Yas, hindi niya sa ’yo pinaparamdam yung parang senior, seniority or dahil mas matanda or something.

“Talagang parang barkada kami.

"Pero siyempre, pressure, kasi alam mong si Ate Yas, parang tatawa-tawa ngayon. Pag action, hahagulgol, walang actor’s cue, yung mga ganun.

“So, nakaka-pressure din.

"Pero iyon, mas masaya kasi sobrang daming kuwento. Ang dami niyang share, ang dami niyang sine-share sa ‘yo.”

Continue reading below ↓

Bukod sa pag-aartista ay nag-aaral si Bea ngayon ng Culinary course.

May negosyo rin si Bea, ang Mix & Blue Coffee shop sa SM Megamall.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene on working with Beautiful Justice co-star Yasmien Kurdi: Siyempre ano, pressured, and at the same time, masaya! Kasi si Ate Yas, hindi niya sa ’yo pinaparamdam yung parang senior, seniority or dahil mas matanda or something. Talagang parang barkada kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results