Alden Richards turns sentimental; posts message for late mother

by Jet Hitosis
Sep 4, 2019
Alden Richards, overwhelmed by his recent success, posts a message on Twitter this Wednesday, September 4, thanking his late mother, Rosario Faulkerson, for inspiring him: "Sana proud ka sa akin ma."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ngayong sunud-sunod ang biyayang dumarating kay Alden Richards, hindi naiwasan ng Kapuso actor na maging emosyonal sa pag-alala sa kanyang namayapang ina.

Sa isang tweet ngayong Miyerkules, September 4, sinabi ni Alden, “LORD para talaga sayo,” na ang tinutukoy ay ang serye ng magagandang nangyayari sa kanyang career.

Idinugtong dito ng 27-anyos na aktor ang isang emosyonal na mensahe para sa pumanaw niyang inang si Rosario Faulkerson.

“Mama kung nasan ka man…sana proud ka sa akin ma.

“See you soon ok?

“Thank you sa inspirasyon.”

Continue reading below ↓

Dumagsa ang mensahe ng pagmamahal para kay Alden mula sa kanyang mga kaibigan at fans.

Gayunman, may mga pumuna rin sa “see you soon” sa tweet ng aktor.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Taong 2008, at 16 anyos lang si Alden, nang sumakabilang buhay ang kanyang ina dala ng pneumonia.

SHOWER OF BLESSINGS

Nag-tweet si Alden isang araw matapos siyang mag-renew ng exclusive contract sa GMA-7 kahapon, September 3.

Nang araw ring iyon, kinumpirma ng Star Cinema na ang blockbuster movie ni Alden na Hello, Love, Goodbye—kasama si Kathryn Bernardo—ang bagong highest-grossing Filipino film of all time.

Hanggang nitong Martes, umabot na sa P880,603,490 ang kinita sa takilya ng unang pelikulang ginawa ni Alden sa bakuran ng Star Cinema.

Dinaig na ng Hello, Love, Goodbye ang isa pang pelikula ni Kathryn, ang The Hows Of Us—na kumita ng P810 million noong 2018—na dating nakatala ng pinakamalaking movie-ticket sales sa kasaysayan ng Philippine movies.

Nauna rito, August 28 nang tanggapin ni Alden ang Asian Star Prize award sa 14th Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Kinikilala ng taunang Seoul International Drama Awards ang mga natatanging television drama productions sa iba’t ibang panig ng mundo.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Annyeonghaseyo! It’s an honor receiving this recognition. My heart is full. Kamsahamnida! ???????? #seouldramaawards

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Sa kasalukuyan, nagte-taping na si Alden para sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang The Gift.

LIVING HIS MOM’S DREAM

Sa mga naunang panayam kay Alden, ilang beses niyang nabanggit na ang kanyang ina ang may gustong mag-artista siya.

Sa panayam kay Alden ng Philippine Daily Inquirer noong May 2017, sinabi ng aktor na noong nabubuhay pa ang kanyang ina ay paborito nitong sumubaybay sa mga teleserye.

Ayon kay Alden, pangarap noon ng kanyang ina na maging artista ang anak.

Bagamat gustong maging piloto ni Alden, sinabi nitong sa pagpanaw ng ina ay naisip niyang bigyang katuparan ang pangarap ng ina bilang pagbibigay-pugay na rin dito.

Edad 16 si Alden nang simulan niyang sumali sa pageants sa Laguna habang nagtatrabaho bilang commercial model.

Taong 2010 nang nag-audition siya sa StarStruck at Pinoy Big Brother, pero naging mailap ang suwerte kay Alden nang mga panahong iyon.

Naging leading man siya ni Louise delos Reyes sa teleserye ng GMA-7 na Alakdana noong 2011, nagbida sa pelikulang The Road ng taon ding iyon, at nakatambal ni Marian Rivera sa seryeng Carmela noong 2014.

Continue reading below ↓

Gayunman, taong 2015 nang sumikat nang husto si Alden dahil sa AlDub love team nila ni Maine Mendoza, na nabuo sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga.

Simula noon, nagsunud-sunod na ang mga teleserye at pelikula ni Alden, na nag-release na rin ng sariling album, nagdaos ng concert, at nanalo ng acting awards.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, overwhelmed by his recent success, posts a message on Twitter this Wednesday, September 4, thanking his late mother, Rosario Faulkerson, for inspiring him: "Sana proud ka sa akin ma."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results