Jake Zyrus asked about baby plans with fiancée Shyre Aquino

by Bernie V. Franco
Sep 4, 2019
Are Jake Zyrus and girlfriend willing to undergo in-vitro vertilization to have their own baby?
PHOTO/S: Noel Orsal (left photo) / Instagram

Handa nang magpakasal si Jake Zyrus sa kanyang non-showbiz fiancée na si Shyre Aquino.

Pero handa na rin ba silang magkaroon ng anak?

Inusisa ang 27-year-old trans man singer kung handa rin ba silang sumailalim sa in-vitro vertilization (IVF) para magkaroon ng sariling anak.

Ibinigay pang halimbawa kay Jake ang kapwa trans man na si Ice Seguerra, na planong sumailalim sa IVF kasama ang asawa nitong si Liza Diño.

“In all honesty, wala pa kami doon,” pag-amin ni Jake.

“Kumbaga, parehong desisyon namin…

“We always talk about that kasi isa sa pinakaimportante sa relationship, we always have to be open with each other.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Jake sa launching ng album niyang Jake Zyrus Evolution, nitong Miyerkules, September 4.

Ito ang kauna-unahang album ni Jake pagkatapos ng kanyang transition sa pagiging trans man.

Continue reading below ↓

Sabi ng singer, “Yung tita ko nga, di ba, nasa akin, so may mga anak siya.

“Minsan nagdyu-joke kami, ‘Hirap! Hirap! Hindi pa tayo ready.’ So, hindi pa kami ready.

“Iba-iba tayo ng perspective when it comes to marriage and everything.

“Ang perspective kasi naming dalawa is, when we get married, we don’t want that control.”

Pagpapatuloy niya, pagkatapos nilang magpakasal ni Shyre, gusto pa rin nilang ma-enjoy ang paglabas-labas, kagaya ng pagta-travel o pagpunta sa club.

“We’re aware we’re young, so we want to be able to still enjoy yung pagiging young.

"Kasi the marriage for us is our promise, is our commitment that we’re gonna spend the rest of our lives together.

“Yun yung marriage para sa amin.

"Pero yung magiging effect, yung magiging experience, ayaw naming magbago yun.

“Honest naman kami.

Continue reading below ↓

“Sabi namin, hindi pa kami ready, kasi siyempre, gusto naman naming maramdaman na kapag nakaipon, gusto muna naming mag-travel, ganyan.

"Gusto naming magpunta dito or bumili ng ganito, which is normal.

“So, yun, nandoon kami sa stage na yun.

“When we get married, we still want to enjoy that time.”

JAKE OPENS UP ABOUT WEDDING PLANS

November 2018 nang aminin ni Jake na engaged na sila ni Shyre.

Nagpakasal na ba sila?

Tugon ni Jake, “Hindi pa, kasi since hindi allowed dito, so we’re actually thinking Europe.

“We’re just negotiating something.

“Ang purpose talaga namin is to get married, but at the same time, gusto ko rin na may trabaho akong gagawin para itutuhog na namin ang future mag-asawa, mga ganyan...

“Sabi ko nga, dedepende doon… kapag nagawa namin sa ibang bansa, 'tsaka namin magagawa dito yung… what you call that?

Continue reading below ↓

"Parang ceremony, kasi puwede naman dito yung ceremony, di ba?”

Ang tinutukoy marahil ni Jake ay ang symbolic wedding o union ceremony, na ginawa rin noon nina Ice at Liza sa Pilipinas, isang buwan pagkatapos nilang magpakasal sa California, U.S.A., noong December 2014.

Read Next
Read More Stories About
Jake Zyrus, shyre aquino
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Are Jake Zyrus and girlfriend willing to undergo in-vitro vertilization to have their own baby?
PHOTO/S: Noel Orsal (left photo) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results