Sylvia Sanchez does not meddle with children Arjo and Ria's love life

by Melba R. Llanera
Sep 5, 2019
Sylvia Sanchez on her children's love life: "Basta ako, akyatan ninyo kami ng daddy ninyo ng mabuting tao, mabait na tao, magalang, mahal kayo at mahal kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Patuloy na nali-link si Ria Atayde kay JM de Guzman.

Tanggap ba ni Sylvia Sanchez si JM para sa anak niyang si Ria?

Matatas na sagot ni Sylvia, “Alam mo, sabi ko naman, kahit sino ang mamahalin ng mga anak ko—sikat man o hindi, mayaman man o mahirap—basta bibigyan ninyo lang ako ng mamahalin ninyo at dadalhin ninyo rito sa bahay na magalang, marespetong bata, mabuting bata, yun lang ang gusto ko.

“Mabait si JM, sila na ang mag-usap diyan. Bahala sila, di ko sila papakialamanan."

Ano ba ang payo na ibinibigay niya sa mga anak pagdating sa pakikipagrelasyon?

“Kung sinuman ang magugustuhan ninyo, magiging asawa, boyfriend ninyo, mahalin ninyo nang lubusan.

“Ganun lang, e, basta ako, paulit-ulit lang ang sinasabi ko sa kanila.

"Basta ako, akyatan ninyo kami ng daddy ninyo ng mabuting tao, mabait na tao, magalang, mahal kayo at mahal kami.

Continue reading below ↓

“Masarap kaya ang pamilya na nagmamahalan kayo, walang conflict, walang problema. Kahit sino, basta mabuting bata.

“Basta alam namin na karapat-dapat siyang mahalin, why not? Mabuting bata, why not?

“Saka di naman kami ang makikisamang mag-asawa, sila naman.

"Hindi namin puwedeng madiktahan ang mga anak namin, si ganito o si ganun. Bahala sila, buhay nila yun.

"Kung anuman ang mangyayari sa future nila, sila yun."

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sylvia sa presscon ng teleseryeng Pamilya Ko nitong Agosto 30, Biyernes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Quezon City.

NO QUESTIONS ABOUT ARJO & MAINE

Nang kumustahin namin ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, umiwas si Sylvia na pag-usapan ang tungkol dito.

“Awat na, ayoko na tungkol diyan! Happy? Oo naman, Pamilya Ko."

Muling natanong si Sylvia sa matagal nang ibinabatong isyu kay Arjo na kumukuwestiyon sa pagkalalaki nito.

Saad niya, “Wala akong duda sa anak ko.

Continue reading below ↓

"Hindi isyu sa amin 'yan, hindi big deal sa amin iyang issue na iyan.

“Tawagin na si Arjo kung ano ang gustong itawag sa kanya, bahala sila. Basta, alam namin ang totoo."

AWED BY PAMILYA KO CO-STARS

Bilib si Sylvia sa husay ng co-stars niya sa Pamilya Ko.

“Ang galing, ang galing-galing!” sambit ni Sylvia.

“Si Tsong [Joey Marquez], kahit alam natin na komedyante yun, alam natin na magaling siya talaga.

“Punung-puno ng puso si Joey pag nagpo-portray siya.

“Dito sa teleseryeng ito, aangat pagdating sa acting lahat ng mga anak ko. Ang gagaling ng fruit salad, ang gagaling ng mga anak ko!

“Grabe! Dito sila hahangaan.

"Sa mga teleserye nila noong una, hindi naman sila masyadong napapansin.

“Si Honesto [Raikko Mateo], nagbida, pero dito... lahat sila, mapapansin sila dahil ang gagaling nila."

Patuloy ni Sylvia, "Ito yung pinag-usapan namin ni Joey na ito yung teleserye niya na ang ganda-ganda.

Continue reading below ↓

“Hahangaan at mamahalin dito si Joey.

"For JM naman, lahat ng teleserye niya, ang gaganda, magaling siya roon, no doubt about it.

“But this is JM’s best teleserye and dito siya magaling na magaling na pinotray niya yung role niya.”

Overprotective si Sylvia sa mga anak. Nagamit ito ni Sylvia sa role niya sa Pamilya Ko.

“Oo, nagamit ko rito, sobra-sobra.

"Yung pagiging nanay ko sa mga anak ko, pareho. Masyado siyang mapagmahal na nanay.”

Si JM ang gumaganap bilang panganay na anak nina Sylvia at Joey.

Sa mga anak ni Sylvia, kay Ria niya nakikita ang karakter ni JM.

“Si Arjo kasi, pagdating sa mga kapatid niya, kuya siya talaga,” paliwanag ni Sylvia.

“Si Ria, pag wala kasi ako, siya yun, e, pati kay Arjo, lahat sa kanilang magkakapatid, even sa tatay niya.

“Kahit nga sa akin, nanay ko yun, e. Mas responsable, di ba, ang mga babae?

Continue reading below ↓

"Si Arjo, responsable, pero si Ria talaga, tutok. Ibang klase si Ria, nanay ko siya."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on her children's love life: "Basta ako, akyatan ninyo kami ng daddy ninyo ng mabuting tao, mabait na tao, magalang, mahal kayo at mahal kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results