Jon Lucas denies being "ander de saya" to wife Shy Feras

by Rommel Gonzales
Sep 5, 2019
Jon Lucas clarifies speculations that he is "ander de saya" to wife Shy Feras: "Hindi naman, siguro nasa point lang ako ng buhay ko ngayon na bumabawi ako sa kanila."
PHOTO/S: Jon Lucas Instagram

Nilinaw ng Kapuso actor na si Jon Lucas ang usap-usapang "ander de saya" diumano siya sa misis niyang si Shy Feras, dating dancer ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Pahayag ni Jon, “Hindi naman, siguro nasa point lang ako ng buhay ko ngayon na bumabawi ako sa kanila.

“Kasi, marami rin po akong naging pagkukulang lalo na nung namatay si Mommy, di ba, medyo napabayaan ko sila ng isang buwan.”

September 22, 2017 nang pumanaw ang ina ni Jon dahil sa atake sa puso.

Patuloy ng dating Hashtags member, “So, lagi ko pa rin siyang dala-dala.

"Kahit magtu-two years old na yung anak ko, naiisip ko pa rin yung mga araw na yun.

"So ngayon, parang kahit anong sabihin, bawi ako."

Naapektuhan ba ang kasikatan niya bilang artista o heartthrob mula noong nagkaasawa at anak siya?

“Hindi ko po kasi alam kung sikat na ako nung panahon na yun!” at tumawa si Jon.

Continue reading below ↓

Hindi ba't sikat ang grupong Hashtags na kinabibilanganniya dati?

“Ayun po, basta yung Hashtags po, sikat. So, sige, damay po tayo dun.

"Pero feeling ko, medyo naapektuhan siya.

“Feeling ko rin, nakilala rin po ng mga tao kung paano ako bilang isang lalaki at bilang isang ama. Iyon po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jon sa mediacon ng indie film na Marineros nitong Agosto 28, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.

DESCENDANTS OF THE SUN

Kahit kalilipat lamang ni Jon sa GMA-7 mula sa bakuran ng ABS-CBN, binigyan agad siya ng isang malaking project—ang Pinoy remake ng hit Korean drama series na Descendants Of The Sun.

Natawang sabi ni Jon, “Siguro ano, e, kasi matagal ko naman pong pinag-pray ito, na magkatrabaho na ulit.

"Kasi, isa’t kalahating taon po akong walang regular na trabaho.

Continue reading below ↓

“Kaya ayun, siguro ibinigay na rin sa akin ng Diyos yung biyaya na yun.”

Proud si Jon na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang katrabaho niya agad sa GMA-7.

Kinumusta namin ang military training nila ng male cast members ng Descendants Of The Sun na kinabibilangan nila nina Dingdong, Rocco Nacino, Paul Salas, Prince Clemente, at Lucho Ayala.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jon, “Medyo nakakapagod. Bugbog ka physically and mentally.

"Pero dahil sa tulungan din po namin na magkakasama, for example si Kuya Dingdong, hindi niya kasi sa amin pinaparamdam na siya yung parang Primetime King.

“Tinutulungan niya po kaming lahat pagdating sa set.

"Kahit sa training po, nakikita namin na ginagawa niya yung bawat challenge.

“So, kami mismo, mahihiya kami na hindi gawin.”

Nagsisilbing inspirasyon sa kanila si Dingdong para mas sipagan at husayan nila ang kanilang training at trabaho.

Nakakalimang indie films na si Jon, pero ni isa sa mga ito ay walang sexy.

Papayag ba siyang magpaseksi sa harap ng kamera?

“Dati po, payag na payag po ako, pero ngayon kasi, parang… married na ako, medyo tina-try ko po hangga’t maaari, maiwasan,” saad niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jon Lucas clarifies speculations that he is "ander de saya" to wife Shy Feras: "Hindi naman, siguro nasa point lang ako ng buhay ko ngayon na bumabawi ako sa kanila."
PHOTO/S: Jon Lucas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results