Pabirong naghayag si Clint Bondad na nais na niyang magkaroon ng sariling baby at saka nagtanong sa kanyang Instagram followers kung saan ba siya makakahanap nito.
Ito ay matapos niyang personal na makilala ang bagong-silang na sanggol ng isang couple na malapit sa kanya.
Makikita ito sa Instagram post ni Clint noong August 28.
Sa comments' section, isang netizen ang nagkomento na siguradong marami raw babaeng "gusto mag ka baby sau Clint."
Sumagot si Clint ng "wala naman."

WILLING BABY MOMMY?
Humirit ang kaibigan ni Clint na si Will Devaugn na may kakilala raw itong puwedeng magbigay ng baby kay Clint.
"I know someone," sabi ni Will.
Sumagot naman si Clint na i-direct message (DM) na lang siya ni Will kung sino man ang tinutukoy nito.
"DM MEEE!" natatawang biro rin ni Clint.
Isang female netizen ang sumakay sa biruan ng magkaibigan at sinabing nag-DM na rin siya kay Clint na tila boluntaryong inalay ang sarili bilang potential mommy ng anak ng Kapuso hunk.
Singit ng netizen, "DM'd haha i volunteer as tribute lol"
Sa puntong ito ay natawa si Will at saka tinag si Clint sa komento ng babaeng willing magpaanak sa Love You Two actor.

Siyam na buwan na ang lumipas mula nang maghiwalay si Clint at longtime girlfriend niyang si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
February 2019 nang magkasunod na kinumpirma ito nina Catriona at Clint.
Matapos nito ay may ilang pagkakataong naiulat na may bago nang idine-date si Clint, pero hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang inaamin na babaeng kanyang napupusuan.
CLINT'S "SAD" LOOK, "FLIRTY" MOVES
Samantala, consistent si Clint sa pagbabahagi ng kanyang topless photos at tila pa-yummy na captions sa Instagram.
'Tulad ng bathroom mirror selfie na ibinahagi niya sa Instagram kagabi, September 4.
Isang netizen ang nag-comment na tila may "sadness" sa mga mata ng Kapuso actor.
Pero pinabulaanan ito ni Clint.
Paglilinaw ni Clint, mukha lang siyang "sad" dahil hindi pa siya natutulog.

Isa pang netizen ang nagsabing hindi nito gusto ang "flirty" captions ni Clint sa Instagram nito.
Sabi lang ni Clint, "that's in the eye of the beholder."
Sabay hirit na ginagaya lang daw niya ang pa-flirty captions ng kaibigan at kapwa-Kapuso actor niyang si Andre Paras.

