PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neil Arce reveals how fiancée Angel Locsin changed him

Neil Arce reveals why he is hesitant to produce a movie for Angel Locsin.
by Melba R. Llanera
Published Sep 6, 2019
Neil Arce on producing a film for fiancée Angel Locsin: “In time, hopefully magkatrabaho kami, pero siguro right now, enjoy na muna namin yung relationship.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Maraming nabago sa negosyanteng si Neil Arce mula nang makarelasyon niya ang aktres na si Angel Locsin.

“First, she taught me how to take care of myself, health, everything.

"Ayokong magkasakit kasi malulungkot siya, mga ganun," pahayag ni Neil nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa presscon ng iprinodyus niyang pelikula na I’m Ellenya L nitong Agosto 27, Martes, sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Queon City.

“Those are the honest answers, small things like that.

"Alangang sabihin kong naging mabuting tao ako.

“Everyone is a good person naman, I think...

"Ayoko siyang malungkot, e."

Tikom pa rin ang bibig ng film producer tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ng Kapamilya actress.

“I wanted to give her the engagement that she deserves. Alam mo yung ganun, doon na lang tayo.

“Kung ano ang mase-share namin, ise-share naman namin.”

NEIL ARCE AS FILM PRODUCER

Sabi-sabi, lugi ang karamihan sa pelikulang iprinodyus ni Neil. Bakit patuloy siyang nagpoprodyus?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, “The fact that we created, malaking bagay kasi yung nakapagbigay ka ng sangkatutak na trabaho, yung makikita mo na masaya sila, masaya ang mga nanood.

“Very, very fulfilling.”

Naisip ba niyang ipag-produce ng pelikula ang fiancée?

Tugon ni Neil, “Ako siyempre, magkaibigan pa lang kami, dream ko siyang i-produce, si Angel.

“Pero ngayon kasi, as much as possible, right now, especially now may soap siya, pag magkasama kayo, ayokong pag-usapan ang trabaho.

“Alam mo yung ganung factor? Parang I wanna be with the person so much, gusto ko medyo in personal basis yun.

“Deep inside siyempre, gusto ko siyang i-produce, pero siyempre as much as possible, kung puwede... suwapang ako, e.

“I mean, sa time, kung magkasama kami sa trabaho, baka mapunta doon, e. Pareho kaming intense, e.

“Pag nagtatrabaho, trabaho talaga, e. So, baka pag magkatrabaho kami, doon mapunta.

“In time, hopefully magkatrabaho kami, pero siguro right now, enjoy na muna namin yung relationship.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARIS & INIGO IN I'M ELLENYA L.

Kasagsagan ng balitang paghihiwalay nina Maris Racal at Inigo Pascual nang sinu-shoot nila ang pelikulang I’m Ellenya L.

Bilib si Neil sa propesyonalismo at dedikasyon sa trabaho ng dalawa.

“Yung relationship nila sa movie is as ma-in love ang friends, di ba? Sa simula, awkward iyan, e.

“Oo, mahal natin ang isa't isa, 'Ano, ano, magho-holding hands tayo?' It happens all the time.

"So, yun ang ipinakita namin, iyung chemistry as friends.

“Kahit anong issue kasi ang gawin sa kanila... ako kasi, nakakasama ko sila, e.

"Kahit iyung Boy Abunda interview, pinagtatawanan nila ngayon, ‘Anong gagawin natin? Bakit mo kasi sinabi yun?'"

Ang tinutukoy ni Neil na "Boy Abunda interview" ay ang pag-amin ni Maris na sinaktan siya ni Inigo.

“It's a joke now for them. Hini talaga siya issue, hindi namin naramdaman yun.

“Okay sila, masaya yung set namin, kahit nga gumagawa kami ng promo materials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kita ninyo naman, funny ang lahat."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce on producing a film for fiancée Angel Locsin: “In time, hopefully magkatrabaho kami, pero siguro right now, enjoy na muna namin yung relationship.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results