Yves Flores, affected ng kontrobersiya nina Gerald Anderson at Julia Barretto?
by Arniel C. Serato May show at pelikula na raw na ginawa si Yves Flores. Kasama siya sa A Soldier's Heart at sa Block Z.
Pero aniya, naurong nang naurong ang release ng parehong proyekto dahil sa iba't ibang factors, kasama na rito, ang kontrobersiyang kinakaharap ng mga kasama niya sa mga proyektong ito na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Kasama niya si Gerald sa A Soldier's Heart at si Julia naman sa Block Z.
Tanong tuloy kay Yves, naapektuhan ba ng kontrobersiya ng dalawang star ang takbo ng career niya?
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel





