Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Veteran actor Lito Legaspi passes away due to cardiac arrest

Sep 8, 2019
Veteran actor Lito Legaspi passed away earlier this Sunday morning, September 8, 2019 at the Cardinal Santos Memorial Medical Center due to cardiac arrest.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano, Facebook (Jade Ricabuerta De Guzman)

Sumakabilang-buhay ang veteran actor na si Lito Legaspi ngayong Linggo, September 8, ganap na alas-diyes ng umaga, sa Cardinal Santos Memorial Medical Center

Cardiac arrest ang ikinamatay ni Lito, na nakaramdam ng paninikip ng dibdib noong Biyernes kaya isinugod siya sa ospital.

Pumanaw si Lito sa edad na 77.

Naulila niya ang mga anak na sina Brando, Zoren, Kier, at Jupiter, at ang kanyang estranged wife na si Hershey Legaspi.

Inaayos pa sa kasalukuyan ang mga labi ni Lito na dadalhin muna sa Loyola Memorial Funeral Homes sa Marikina City, kaya inaasahang bukas, September 9, malalaman ang mga detalye tungkol sa kanyang burol at araw ng libing.

Nagsimula noong 1959 ang acting career ni Lito Legaspi at kabilang siya sa mga matinee idol na contract star ng Sampaguita Pictures.

Ang My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7 ang huling television assignment niya.

Nakatakda sanang magdiwang si Lito ng kanyang ika-78 kaarawan sa September 10.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor Lito Legaspi passed away earlier this Sunday morning, September 8, 2019 at the Cardinal Santos Memorial Medical Center due to cardiac arrest.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano, Facebook (Jade Ricabuerta De Guzman)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results