Former actress Deborah Sun caught in buy-bust operation

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2019
Former actress Deborah Sun was arrested with three other suspects in a buy-bust operation in Quezon City early Sunday morning, September 8.
PHOTO/S: Jerry Olea / PDEA

Dinakip ang 60-year-old former actress na si Deborah Sun—Jean Louise Porcuna Salvador sa tunay na buhay—sa buy-bust operation na isinagawa ng Quezon City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang condominium building sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling-araw, September 8.

Kasamang nadakip ang anak ni Deborah na si Angela Porcuna, 45, at ang dalawa pang kinilalang sina Gerald de Guzman, 53, at Gonzalo Gonzales, 49.

Ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Sections 5, 11, and 12 ang kasong isinampa ng Quezon City Police at PDEA laban sa apat na akusado.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, weighing scale, dalawang lighter, gunting, isang foil na improvised tooter, at isang tube improvised tooter.

Tinangka ni Angela na tumakas sa pamamagitan ng paglabas mula sa bintana ng eight-floor condominium unit na pag-aari ng aktres na si Ara Mina.

Continue reading below ↓

Tumawid siya sa kabilang unit na bukas ang bintana na ikinagulat ng mga residenteng pawang mga estudyante, na agad na nag-report sa security personnel building kaya natunton ng raiding officers ang kanyang kinaroroonan.

Natukoy at nakuha rin ng mga ahente ng PDEA ang mga plastic sachet na itinapon ng mga akusado mula sa bintana ng condominium unit.

Libre ang paninirahan ni Deborah at ng kanyang pamilya sa condominium unit ni Ara dahil sa kagandahang-loob at awa nito sa dating aktres.

Mariing itinanggi ni Deborah at ng mga akusado ang paratang na gumagamit sila ng illegal drugs, pero positive ang resulta nang sumailalim sila sa drug test.

Nakalagay sa report ng arresting officers na pinili ng mga akusado na manahimik hangga’t wala silang legal counsel.

"During the arrest, suspects was properly informed of the nature of the offense and were duly apprised of their constitutional rights, but opted to remain silent in the absence of their chosen counsel."

Continue reading below ↓

Kabilang sa pelikulang nilabasan noon ni Deborah ay ang Temptation Island (1980).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Deborah Sun was arrested with three other suspects in a buy-bust operation in Quezon City early Sunday morning, September 8.
PHOTO/S: Jerry Olea / PDEA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results