Pasiklab ni Elizabeth Oropesa sa mediacon ng Kapuso primetime series na The Gift, nakitaan niya ng malisya sina Jean Garcia at Jo Berry kay Alden Richards.
Sina Jean at Jo ang gumaganap na mga ina ni Alden sa teleserye.
“Hindi ko alam yung sinasabi ni Tita Oro dun sa malisya!” tili ni Jean nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after the panel interview sa mediacon noong Setyembre 9, Lunes, sa Prime Hotel, Quezon City.
Ayon sa aktres, "baby" niya si Alden.
“Kasi, kasama ko nga sa Alakdana [2011], tsaka sa One True Love [2012].
"Baby ko, baby ko 'yang si Alden.
“Para ko na siyang kapatid, ganun yung… 'tapos, di ba, wala na siyang mother, so alam ko yung story ng buhay niya,” pahayag ni Jean.
Ano naman ang kuwento na noon ay kinampihan niya si Alden?
“Kakampi ko siya.”
May umapi ba kay Alden noon? Sino?
“Siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin!
"Basta, every time na kunwari merong mga taong kunwari magmamaliit sa kanya o mag-aano, kakampi ako ng kapatid kong 'yan. Promise!
“Kasi, di ba, alam mo naman si Alden, napaka-humble, tahimik, nasa isang tabi lang, ganyan.
“So, pag merong... sometimes na binu-buly-bully siya, so siyempre ako yung kakampi niya.”
Tumigil ba ang bumu-bully kay Alden?
“Hindi naman nila puwedeng bully-hin, kasi nga, siyempre, di ba?”
Si Jean ang makakaharap ng nambu-bully kay Alden?
“Hindi, kasi mali naman yun, di ba? Ang bullying is hindi tama yun, kahit saang ano.”
Blessed ngayon si Alden bilang bagong Box Office King. At ang nam-bully kay Alden ay halos wala na sa sirkulasyon?
Tumawa na lang si Jean na ayaw talagang i-reveal kung sino ang nam-bully kay Alden noong ginagawa nila ang Alakdana.
“Very successful at very blessed si Alden, pero lahat naman 'yan, he deserves it,” sabi ng aktres.
JEAN GARCIA ON DOING DARING SCENES
Kaya ba ni Jean ang isang pelikulang mala-Glorious (nina Angel Aquino at Tony Labrusca) o Just A Stranger (nina Anne Curtis at Marco Gumabao) na isang sexy May-December love story?
Kaya ba niyang makipag-love scene at torrid kissing scene sa pelikula sa isang much-younger actor?
“Hindi ko alam, Dyusko! Ano ba 'yan, kung kailan naman tumanda ako!” reaksiyon ng 50-year-old actress.
Uso at kumikita ngayon ang ganitong genre ng pelikula.
“Hindi ko alam, hindi ko alam, tingnan natin, pag may magandang script siguro.”
Papayag siya?
“Puwede naman, siyempre artista ka, iko-consider mo rin siyempre lahat ng characters naman na puwede mong gawin.
“Kita mo nga ngayon, nag-hired killer na ako, hired assassin, di ba?”
Bida si Jean sa Watch Me Kill na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (September 13-19) kung saan killer ang papel niya.
Hot lola at seksing-seksi pa rin si Jean sa edad na 50.
Halimbawang hindi puwede si Alden na gumawa ng sexy na pelikula, sino sa young actors ngayon ang sa tingin ni Jean ay uubrang maging leading man niya?
“Hindi ko alam, hindi ako casting director, sila kausapin ninyo!” tawa nang tawang sagot si Jean.
“Seriously, hindi ko alam, e. Sino bang artista na ano?
"'Tsaka kasi hindi ko naman naisip, even sa sarili ko, na gagawa ako ng pelikulang ganyan.
“Pero alam mo, nakakatuwa. Kasi, open na ang audience natin ngayon sa mga konsepto na medyo kakaiba, na edgy.”
Nagbanggit kami kay Jean ng mga pangalan na puwede niyang makapareha at nagbigay siya ng komento.
“Naku, baka may mga magalit, ha?!” ang tumatawang reaksiyon ni Jean nang banggitin namin ang pangalan ni Gerald Anderson.
“Hindi, loko lang! Puwede naman, sige, basta kung sino ang gusto ninyo, go!” ang tumatawang pagsakay pa ni Jean sa pangungulit namin sa kanya.
E, si Derrick Monasterio?
“Dyusko naman, ano ba 'yan, pabata naman nang pabata!”
Nababataan din si Jean kay Daniel Padilla.
How about Joshua Garcia, Carlo Aquino, Kiko Estrada or Tom Rodriguez?
“Basta, bahala kayo kung sino ang gusto ninyo,” ang pang-ookray na sagot pa rin ni Jean.
Bahala na lang daw ang producer sakaling gagawa siya ng isang pelikula na ganoon ang tema.