PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Did Kylie Verzosa really spit on Los Bastardos co-star Maxine Medina?

Dianne Medina, Maxine Medina's cousin, posts blind item about an actress who spat on her co-star.
by Bernie V. Franco
Published Sep 12, 2019
Actress host Dianne Medina (not in photo) takes to Facebook and writes about a female celebrity who allegedly spat on her relative during a scene even if it was not part of the script. A report in balita.net report named Kylie Verzosa (left) as the celebrity who allegedly spat on Maxine Medina (right), Dianne's cousin.
PHOTO/S: @kylieverzosa and @maxine_medina on Instagram

Sino ang artistang tinutukoy ni Dianne Medina sa kanyang blind item na ipinost sa Facebook nitong September 10, Martes?

Status ng 32-anyos na actress-TV host, “Blind Item: Da who itong artista nandura sa kapwa artista na wala naman sa script.”

Ang clue na ibinigay ni Dianne ay isang babae ang nandura, habang ang dinuraan umano ay kamag-anak niya.

“Girl, RESPECT pls Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!” mensahe pa ni Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CELEBRITY FRIENDS REACT

Sa comments section, marami ang nag-react sa post ni Dianne, kabilang na ang mga kapwa-artista niyang sina Bea Binene, Sunshine Cruz, Sharmaine Arnaiz, Donita Nose, Eric Nicolas, Cai Cortez, Lotlot de Leon, at Kitkat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KYLIE VERZOSA VS MAXINE MEDINA?

Tila nasagot na kung sino ang mga nasa blind item ni Dianne base sa isang artikulo na lumabas sa balita.net.ph nitong Miyekules, September 11.

Isinulat ito ng entertainment columnist na si Reggee Bonoan at may titulong “Kylie at Maxine, may hidwaan?”

Binanggit sa artikulo na sa isang eksena ay dinuraan umano ni Kylie Verzosa si Maxine Medina, kahit hindi umano kasama sa script.

Sina Kylie at Maxine ay co-stars sa ongoing ABS-CBN afternoon teleserye na Los Bastardos.

Ayon pa sa artikulo, sumama raw ang loob ni Maxine sa ginawa ni Kylie.

Ikinuwento raw ni Maxine ang insidente sa pinsang si Dianne, na idinaan naman sa Facebook status ang kanyang blind item.

Hindi rin umano nag-sorry si Kylie sa kanyang ginawa.

Magka-batch sina Kylie at Maxine sa Binibining Pilipinas 2016.

Si Maxine ang nanalong Miss Universe Philippines 2016, habang si Kylie naman ang kinoronahang Bb. Pilipinas-International at kalaunan ay itinanghal ding Miss International 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes, September 12, ipinost ni Maxine ang throwback photo kasama ang pinsang si Dianne.

Makahulugang caption ni Maxine: “Glad to have My family with me all the time I needed them.”

Samantala, nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Kylie ngayong umaga, September 12, upang kunin ang kanyang panig sa paglutang ng pangalan niya sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa panig sa lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress host Dianne Medina (not in photo) takes to Facebook and writes about a female celebrity who allegedly spat on her relative during a scene even if it was not part of the script. A report in balita.net report named Kylie Verzosa (left) as the celebrity who allegedly spat on Maxine Medina (right), Dianne's cousin.
PHOTO/S: @kylieverzosa and @maxine_medina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results