Kinumpirma ni Janella Salvador na dumalo siya sa 60th birthday celebration ng ina ng napababalitang boyfriend na si Markus Paterson, si Norma Paterson, noong September 7.
Sa ancestral house nina Markus sa San Manuel, Pangasinan, ginanap ang salu-salo.
Pero ayaw na raw itong pag-usapan ng The Killer Bride actress.
Pahayag ni Janella sa ABS-CBN News kahapon, September 12, “I'd rather not talk about it kasi nga ayaw ko maggawa ng statement masyado.
“So, I'd rather keep it low-key kung anuman yun.
"So, if you see me there, then that's it.”
Nauna na rito, naikuwento ni Markus na naipakilala na siya ni Janella sa mga magulang nitong sina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador.
Pero nais daw nilang magiging pribado ang kung anumang namamagitan sa kanila ngayon.
Sa set ng Maalala Mo Kaya nitong nakaraang Pebrero 2019 nagkakilala sina Janella at Markus.
Ang huling nakarelasyon sa showbiz ni Janella ay si Elmo Magalona.
