Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Barbara Ruaro condemns "fake news" about Eheads guitarist Marcus Adoro’s alleged drug use

by Jet Hitosis
Sep 13, 2019
Indie actress Barbara Ruaro maintains that her ex-boyfriend, former Eraserheads lead guitarist Marcus Adoro, "was not an addict when we were together,” in reaction to a post about the guitarist allegedly being targeted for police's "tokhang" campaign against drug users.
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram

Nanawagan ang aktres na si Barbara Ruaro laban sa pagpapakalat ng “fake news” tungkol sa paggamit umano ng droga ng dati niyang karelasyong si Marcus Adoro.

Si Marcus ay dating lead guitarist ng iconic alternative rock band noong ‘90s, ang Eraserheads.

Sa kanyang Instagram Stories ngayong Biyernes, September 13, umapela si Barbara laban sa pagse-share ng publiko sa isang post ng Facebook account na Nandyan Na Ang Pulis.

Gamit ng nasabing account ang litrato ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde.

Nakasaad sa post: “Marcus Adoro totokhangin na ng PNP! Ang info ay under the influence of drugs ang gitarista ng Eraserheads tuwing binubugbog ang kasintahan.”

Caption sa unang Story ni Barbara: “Please – DO NOT SHARE THIS POST OR ANYTHING SIMILAR TO THIS.”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

WHO IS BARBARA’S ABUSER?

Sa ikalawang Story ng indie actress, kinondena niya ang post at tinawag na “irresponsible.”

Iginiit ni Barbara, “I never accused Marcus of taking drugs nor have I mentioned his name in any of my posts.”

Tinukoy ng aktres ang Instagram posts niya noong September 5 at 8 tungkol sa dinanas niyang pang-aabuso sa nakalipas na halos isang taon.

Matatandaang nitong September 5 ay nag-post si Barbara ng litrato niyang may sugat sa talukap ng mata.

Sa caption, sinabi ng Abandoned movie actress na ang mga natamo niyang “cuts, bruises, and almost a year of psychological manipulation” ay gawa ng taong “I loved and cared for deeply.”

Sinundan ito ng aktres ng isa pang post nitong Linggo, September 8, na may karagdagang mga litrato ng kanyang mga pasa at sugat sa katawan.

Sa ikalawang post, idinetalye rin ni Barbara ang iba’t ibang klase ng pang-aabusong naranasan sa kamay ng hindi pa rin niya pinangalanang suspek.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Some people have told me not to dwell and just move on. Some people have suggested that exposing his name to the public will bring me instant gratification. Some people think it's my fault because I stayed, kept silent, and enabled him... I promised myself if I'm going to fight for this case, I'm going to do it right. The series of photos posted are just half of the damage done to my body. The internal wounds keep me up night, while my abuser is still running free. Time and time again, I was made to feel everything was my fault. That if he treated me badly, it was because I deserved it. That everytime I reacted negatively to his abuse, it was a result of my PTSD and not the abuse itself. He used my weaknesses against me, brainwashing me into believing no one will ever understand me like he does. He asked me several times to quit my career and just devote my life to him. He said we have dreams to fulfill, and don't I ever leave or he will commit suicide. I wasn't allowed to leave the room, even if he broke things in front of me with his hands. I was isolated from my friends and family, and the only chance I'd get to see people was if I needed to be at work. And that was just the beginning. I am healing and processing; it doesn't just end when you walk out the door. My self is my top priority now. My faith, family, and friends are what keep me strong, especially during days when I get the sense that all hope is lost. I am very very afraid, but I won't be silenced by the fear he has instilled. Not this time. I will make sure justice is served. Thank you to all those who have been there for me through these trying times. I wouldn't know what to do without you guys ???? Maraming salamat sainyo.

A post shared by Barbara Ruaro (@bieruaro) on

Sa isang direct message (DM) sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, September 9, kinumpirma ni Barbara na kinasuhan na niya ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (Republic Act 9262) ang kanyang abuser—na tumanggi pa rin siyang pangalanan.

“NOT ONCE TOUCH DRUGS…NOT AN ADDICT”

Sa Story niya ngayong Biyernes, binigyang-diin ni Barbara na hindi gumamit ng ilegal na droga si Marcus sa buong panahong magkarelasyon sila.

“Not once did he touch drugs during the course of our relationship,” saad sa Story ni Barbara.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng DM ay klinaro ni Barbara ngayong Biyernes sa PEP.ph na bagamat si Marcus “needs help in a lot of departments, he was not an addict when we were together.”

Aniya, tumigil umano sa paggamit ng droga ang gitarista nang mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

“He stopped when Duterte took office,” sinabi ni Barbara tungkol sa dating nobyo.

“He wanted to protect the people around him.”

Continue reading below ↓

Aniya, nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Marcus matapos maikabit dito ang salitang “totokhangin ng PNP.”

Ang Oplan Tokhang ay ang kontrobersiyal na kampanya ng PNP, na nagsimula noong 2016, laban sa ilegal na droga, at ikinamatay na ng libu-libong naging subject ng mga anti-drug operations ng awtoridad.

Paliwanag ni Barbara, “Alam mo naman ang panahon ngayon, the war against drugs.

“Ang dami nang namatay. Walang due process.

“Ayoko siyang mapahamak nang ganon,” dagdag pa niya.

Sa huli, nanindigan si Barbara sa kanyang Story na mali ang nasabing post at nanawagan sa nagpakalat nito na i-take down iyon online.

“This is libel. This is fraud. And I cannot tolerate it,” mensahe ni Barbara.

“Clearly, fake news ‘to. Save us the extra trouble and take this down, please.”

Continue reading below ↓

MARCUS’ DAUGHTER ALSO SPEAKS UP ABOUT BEING ABUSED

Lumutang kahapon, September 12, ang nasabing post tungkol kay Marcus makaraang mag-post sa Instagram at Facebook ang anak ng gitarista, ang 17-anyos na singer na si Syd Hartha, tungkol sa dinanas din umano nitong pang-aabuso.

Sa post ni Syd kahapon, nagkuwento siya tungkol sa pang-aabusong pisikal at mga seryosong pagbabanta na dinanas niya mula umano sa kanyang ama.

Ibinahagi rin sa post ni Syd ang mga screenshot ng pakikipag-usap niya sa inaakusahan niyang nang-abuso sa kanya, gayundin ang isang conversation nila ni Barbara.

Sa nasabing convo nila ni Syd, nag-upload si Barbara ng litrato ng pinag-uusapan nilang lalaki na “was even trying to contact me, he wants us to be okay daw.”

Continue reading below ↓

Bago in-upload ni Syd sa Facebook ang nasabing post, nag-share ang dalagitang singer ng post mula sa Nandyan Na Ang Pulis, na nagsasabing kakasuhan ng paglabag sa RA 9262 at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) si Marcus.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Marcus tungkol sa isyu hanggang sa malathala ang report na ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indie actress Barbara Ruaro maintains that her ex-boyfriend, former Eraserheads lead guitarist Marcus Adoro, "was not an addict when we were together,” in reaction to a post about the guitarist allegedly being targeted for police's "tokhang" campaign against drug users.
PHOTO/S: @bieruaro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results