PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ahron Villena opens up about casual sex with different women

Ahron Villena reveals experiences with girls curious to check out his private part
by Rommel Gonzales
Published Sep 14, 2019
Ahron Villena: “Minsan may mga girls, aminin naman natin, may mga girls na talagang, for example, nakilala ka, may mga ganun... Gusto lang kasi nilang makita talaga kung totoo yung sa scandal ko!”
PHOTO/S: Ahron Villena Instagram

Wala pa ring kamatayan ang pangunguwestiyon sa sexual preference ni Ahron Villena.

“Ayun na nga, e! Ako naman, alam ko kung ano ako, e,” himutok ng aktor.

Wala kasi siyang girlfriend.

“Well, may dinate ako last time, we’re not okay na anymore. Non-showbiz.

“Meron akong mga dine-date, but hindi ko lang pino-post talaga.

"Parang may mga fling, ganun lang, one-night stand,” kaswal pang kuwento ni Ahron.

So, nakikipag-sex siya sa mga babae kahit wala silang relasyon?

“Pag ganun lang pero, kasi minsan may mga girls, aminin naman natin, may mga girls na talagang, for example, nakilala ka, may mga ganun.”

Na sex ang habol sa kanya?

“Oo, sila, iyon ang habol sa akin 'tapos biglang wala na!” at tumawa ang binata.

“Gusto lang kasi nilang makita talaga kung totoo yung sa scandal ko!” at muling tumawa ang hunk actor.

Dating pinagpiyestahan ang nude photo ni Ahron kung saan kita ang kanyang pagkalalaki.

“Meron akong na-meet before, ganyan, babae. 'Tapos, naka-save sa phone niya.

"Nung may nangyari sa amin, after sabi niya, ‘Actually, alam mo, alam ko yung scandal mo, meron ako dito sa phone ko.’”

So, napatunayan na babaeng iyon na malaki nga?

“Sabi, ‘Totoo pala!’ Hindi, ewan ko,” at tumawang muli si Ahron.

Ano ang sagot ni Ahron sa mga nagdududa sa pagkalalaki niya, na may mga nag-iisip na bading siya?

“Well ako, I don’t mind them na lang.

"Kasi kumbaga, at the end of the day, ikaw ang nakakaalam sa sarili mo.

"Kasi ganito lang 'yan, sa showbiz, it’s either, ‘Ay, bakla 'yan! Ay, may gay benefactor 'yan!’

“Wala ka nang lulugaran, e. Kumbaga, as long as you know your personality, as long as confident ka sa sarili mo, wala kang dapat i-explain.”

Saan niya mas gustong mailugar sa dalawa?

“Wala na lang. Para safe, di ba,” at tumawa si Ahron.

Pinagdaanan ni Ahron pareho na maintrigang gay at may gay benefactor.

“Well, iyon nga, ganun sa industry natin, e.”

Immune na si Ahron sa mga intriga.

“Parang, ‘Huy, thirty-two na ako, ano ba? Tumigil na kayo!’

“Di ba? Parang laging binabato sa akin yan, it’s either may gay benefactor, it’s either bading or whatever, bahala kayo. Kasi ako, alam ko.

“Kumbaga, if hindi ako mag-post ng babaeng kasama ko, choice ko yun, ayoko.

"Kumbaga private gusto ko, yun nga, recently may na-date ako, siguro March, April, walang nakaalam halos.”

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ahron presscon ng indie movie na Marineros noong August 28 sa Max’s restaurant, Scout Tuason St., Quezon City.

Kailan niya balak muling magkaroon ng seryosong girlfriend?

“Ngayon ine-enjoy ko siguro muna yung pagiging bachelor ko muna.

“Dati kasi, nung bata ako, sabi ko, gusto ko nang magkaanak, magkaasawa, during my twenties.

"”Twenty-four, twenty-five, na supposedly, may girlfriend ako nun, nagpaplano na kaming mag-baby.

“Pero pag nandun ka na sa peak na yun, parang ayoko muna pala! Ayoko, ayoko muna.

“'Tapos sabi ko nga, ‘Ay nag-thirty na ako, sabi ko, okay. Tapos, iniisip ko, ang dami pang mga thirty-five na tao na wala pang anak din.

“Pag lalaki, sabi nila pag thirty, thirty-five, i-enjoy mo muna yung pagiging bachelor mo. But of course, dumadaan rin ako sa point na parang gusto ko nang magka-baby.”

Pero ayaw pa rin niya?

“Hindi, kumbaga wala pa akong makita na perfect na para sa akin talaga. Sabi ko, pag dumating yun… akala ko yung dati, perfect na sa akin, nag-post pa ako sa IG ko pero…”

Hindi rin sila nagtagal.

“Parang... may sabit pala siya.”

May asawa?

“Ewan ko, basta kumplikado, so… ilang beses na rin akong nasaktan ng babae talaga, ako yung iniiwan minsan. Dati, nung bata-bata ako.”

Sa guwapo niyang iyon, iniiwan pa siya ng babae?

"Hindi pa ba sapat?” at tumawa si Ahron.

Well-endowed na siya, iniiwan pa rin siya?

“Ginagawa ko naman lahat.”

Ano sa palagay niya ang rason at iniiwan siya?

“Siguro that time, medyo ano, immature. Ngayon siguro, I can say medyo nag-mature na ako and siguro ngayon, hindi ako nagmamadali muna.

“I’ll just wait for the right girl kung sino talaga ang para sa akin. Pero I prefer na non-showbiz talaga.”

Palabas na sa September 20 ang Marineros. Kasama rin si Ahron sa bagong GMA drama series na Madrasta na pinangungunahan nina Arra Sa Agustin, Juancho Trivino, at Thea Tolentino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahron Villena: “Minsan may mga girls, aminin naman natin, may mga girls na talagang, for example, nakilala ka, may mga ganun... Gusto lang kasi nilang makita talaga kung totoo yung sa scandal ko!”
PHOTO/S: Ahron Villena Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results