Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jean Garcia excited about showbiz comeback of daughter Jennica Garcia

by Ruel J. Mendoza
Sep 14, 2019
Jean Garcia on daughter Jennica Garcia: Sa totoo lang, sobra akong nanghihinayang sa talent ni Jen. Marami pa siyang puwedeng magampanang roles sa TV at pelikula. Pero siyempre, naintindihan ko rin na she chose to get married and have her own family."
PHOTO/S: Noel Orsal

Masayang-masaya si Jean Garcia dahil sa pagbalik sa pag-arte ng kanyang anak na si Jennica Garcia matapos magpahinga nang limang taon.

Kasama si Jennica sa teleserye nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez sa ABS-CBN.

Ayon kay Jean, "Na-miss na raw kasi niya ang umarte kaya noong sinabi niya sa akin na tinanggap niya ang isang teleserye, isa ako sa sobrang natuwa, kasi number one fan ako ng anak ko.

"Sa totoo lang, sobra akong nanghihinayang sa talent ni Jen. Marami pa siyang puwedeng magampanang roles sa TV at pelikula.

“Pero siyempre, naintindihan ko rin na she chose to get married and have her own family.

"Naging priority niya ay ang pamilya niya na ikinatuwa ko naman talaga.

"Bilang ina, proud naman ako kay Jen at kay Alwyn dahil ang ganda ng pagsasama nila and the way they raise their children.

“Kumbaga, naplano nila nang maayos ang buhay nila at nakaka-inspire sila bilang isang family.

Continue reading below ↓

"Marami kang matututunan sa kanila especially pagdating sa family life at sa negosyo.

“Grabe ang sipag nilang mag-asawa," pahayag ni Jean sa media launch ng GMA primetime teleserye na The Gift noong September 9, Lunes, sa Prime Hotel, Quezon City.

JENNICA AS A WIFE AND A MOTHER

Taong 2014 nang magpakasal si Jennica sa aktor na si Alwyn Uytingco. Dalawa na ang kanilang mga anak, sina Athena Mori (4 years old) at Alexis Severina (1 year old).

Ipinagpaliban ni Jennica ang kanyang showbiz career at tumutok siya sa pagiging ina at asawa. Naging abala rin si Jennica sa negosyo nila ni Alwyn na may kinalaman sa organic products.

Kuwento pa ni Jean, bagama't excited si Jennica sa pag-arte ulit, inaalala pa rin nito ang dalawang anak.

"Yun naman ang hindi mawawala sa isang ina. Jen is so close to her kids kaya siguro nakakaranas siya noong tinatawag na sepanx or Separation Anxiety sa mga anak niya.

Continue reading below ↓

"Naramdaman ko rin iyon when I had to work abroad noon at iniwan ko si Jennica dito sa Pilipinas.

“Iyak ako nang iyak, kasi nga, nakanayan ko na she's just beside me. Tapos, biglang magigising ka, nasa ibang lugar ka at malayo ang anak mo.

"Sinabi ko naman kay Jen na she will get used to it. Sakripisyo lang para sa isang bagay na gusto niyang gawin ulit.

"Hindi naman siya mangingibang-bansa, e. Dito lang naman siya at nandito naman ako to check din sa mga apo ko, di ba?

“Marami kaming nagmamahal sa mga anak nila ni Alwyn kaya she doesn't have to worry. Mapagkakatiwalaan naman ang mga taong mag-aalaga sa mga anak niya.

"Kung nakaya ko nga noon, I'm sure na makakaya rin ni Jen," ngiti pa ni Jean.

WORKING WITH HER DAUGHTER

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makasama ulit ni Jean ang kanyang anak sa isang project.

Continue reading below ↓

"Dalawang beses kami nagkasama ni Jen sa TV.

"Una ay sa teleserye ng GMA-7 na Impostora, which was her first teleserye, pero wala kaming eksena na magkasama.

“Then sumunod, yung Ina, Kasusuklaman Ba Kita where she plays my daughter.

"Sa movies naman, isa lang ang napagsamahan namin, yung horror film na Hide & Seek.

"Gusto kong makatrabaho ulit ang anak ko, kasi, sobra akong bilib sa pag-arte niya.

"Hopefully, may magawa kaming indie film na maganda in the future."

Hindi na matutuloy ang balak nina Jennica at Alwyn na tumira sa Siquijor kunsaan magtatayo sana sila ng organic farm.

"Supportive naman ako sa plano nilang iyon.

"Gusto nila ang farm life, e. Tahimik at yung back-to-basic na pamumuhay. 'Tapos, gusto nilang magkaroon ng organic farm.

"Na-suggest naman sa kanila na merong mga available na farm lots sa Bulacan, Batangas, Laguna or Cavite. Yung hindi na nila kailangang iwan ang Maynila.

Continue reading below ↓

"Ang sa akin lang, paano kung may magkasakit sa kanila, 'di ba?

"Magiging big hassle yung bibiyahe pa tayo doon sakay ng eroplano.

"At least, kung nandito lang sila, puwede tayong mag-drive anywhere. Mabilis pa tayong makakarating.

“Kaya mas pabor ako na nandito lang sila at madali silang mapuntahan at mabisita ko ang mga apo ko," saad ni Jean.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia on daughter Jennica Garcia: Sa totoo lang, sobra akong nanghihinayang sa talent ni Jen. Marami pa siyang puwedeng magampanang roles sa TV at pelikula. Pero siyempre, naintindihan ko rin na she chose to get married and have her own family."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results