PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia enjoys going solo at ABS-CBN Ball 2019

Joshua Garcia grateful to fans who never left his side.
by Melba R. Llanera
Published Sep 15, 2019
Joshua Garcia to his loyal fans: "I love you all, yun lang. Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, hindi bumibitaw, at lagi akong tsini-cheer."
PHOTO/S: Mark Atienza

Gaya nina Bea Alonzo at Julia Barretto, mag-isang dumalo si Joshua Garcia sa ABS-CBN Ball 2019, na ginanap sa Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Sabado, September 14.

Kung noong 2018 ay sabay silang dumating ng ka-love team at ex-girlfriend niyang si Julia Barretto, ngayong break na ang dalawa ay magkahiwalay rin silang dumalo sa naturang ball.

Ayon kay Joshua, nagdesisyon siyang walang ayain sa ABS-CBN Ball ngayong taon.

“Wala, wala akong inaya ngayong ball na ito,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News.

“Wala akong masabi, basta happy ako na nandito ako ngayon sa ball na mag-isa.

"Looking forward ako na mage-enjoy ako tonight."

Higit daw naging espesyal ang ABS-CBN Ball dahil ang benepisaryo nito ay ang Bantay Bata 163.

"Masaya kasi hindi lang kami basta nagse-celebrate ngayon, hindi lang kami basta nagsasaya ngayon.

“At the same time, may tinutulungan din kaming mga bata so, ayun, enjoy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta siya ngayon? Mas masarap bang maging single o may karelasyon?

Sagot ni Joshua, "Depende sa tao.

“Masarap parehas, e. Masarap na may minamahal ka at masarap din na single.”

Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng kanyang love life, masaya naman si Joshua sa magandang ratings at palaging trending sa social media ang kanilang teleseryeng The Killer Bride, bukod pa sa may fans na rin ang tambalan nila ni Janella Salvador.

Saad ni Joshua, "Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta kasi sobrang worth it lahat ng ginagawa namin na pag-mount ng mga eksena para gawing nakakatakot.

“Very thankful ako sa lahat ng sumusuporta at hanggang ngayon nakasubaybay pa rin sila simula nang lumabas ang Killer Bride.

“Sa mga fans namin ni Janella, happy ako siyempre… actually, lahat kami sa set, kasi worth it ang lahat.

“Kami ni Janella, ni Sam Concepcion, ni Alex [Ilacad]… yung love triangle, nagwo-work siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nagbigay ng mensahe ang Kapamilya actor sa mga tagahanga niyang hindi bumitaw kahit pa nabuwag na ang JoshLia love team nila ni Julia.

“I love you all, yun lang.

“Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, hindi bumibitaw, at lagi akong tsini-cheer.

“Thank you sa inyo,” pahayag ni Joshua.

Siyanga pala, tapos na ang shoot ng zombie movie nila ni Julia na Block Z.

Abangan na lang natin kung sabay silang magpo-promote nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia to his loyal fans: "I love you all, yun lang. Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin, hindi bumibitaw, at lagi akong tsini-cheer."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results