Naging tampulan ng biro ng netizens ang hindi umano magandang fit ng gown na suot ng GT member na si Chie Filomeno sa ABS-CBN Ball 2019 noong Sabado ng gabi, September 14.
Ipit na ipit daw kasi ito at tila hindi nakakahinga ang kanyang dibdib.



Ayon pa sa iba, na-bash noong isang taon si Chie dahil flat-chested naman siya sa ABS-CBN Ball 2018.

Hindi naman ito pinalampas ni Chie.
Buwelta niya sa kanyang tweet: "Problemahin niyo problema niyo. Wag boobs ko.
“Pakealamero’t pakealmera na walang wala sa lugar.
“Mas nakakalungkot kasi kapwa mo pa babae yung mas marami sinasabi.
“Curious ka? Oo sobrang nakakahinga ako, wag ka mag alala.
“Nagpa vulcanize lang, mahihimatay agad? OA niyo.”
