PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina says doing love scene with boyfriend Jerald Napoles feels awkward

Jerald Napoles on love scene with gf Kim Molina: “Para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin.”
by Jet Hitosis
Published Sep 16, 2019
Actress Kim Molina says she felt "awkward" doing her love scene with boyfriend Jerald Napoles in her launching movie, Jowable, which will open in cinemas on September 25, 2019. The actor agreed by saying, "Para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin, habang magkapatong sa kama."
PHOTO/S: Noel Orsal

Para sa aktres na si Kim Molina, mas mahirap gumawa ng love scene kasama ang boyfriend niyang si Jerald Napoles.

Ito ang ikinuwento ni Kim matapos niyang ikumpara ang sex scene nila ni Jerald sa pelikulang Jowable. Gumawa rin kasi ng bed scene si Kim kasama si Kit Thompson sa digital movie na MOMOL Nights.

Ayon sa 28-anyos na aktres, kahit pa nakakatawa ang bed scene nila ni Jerald, “mas awkward” ito dahil totoong boyfriend niya ang kanyang kaeksena.

“Ang hirap po, e," sabi ni Kim.

“Kumbaga, I felt uncomfortable at first, kasi boyfriend ko talaga yung kasama ko, tapos andaming tao."

Pinatotohanan ito mismo ni Jerald, 36, nang magkuwento ang aktor sa media conference ng Jowable sa Quezon City nitong Biyernes, September 13.

Ang Jowable, na isinulat at idinirek ni Darryl Yap, ay halaw sa viral short video series ng Facebook page na VinCentiments noong 2018, at ginawan na rin ng libro.

Tungkol ang pelikula sa isang dalagang "jowable," o girlfriend material naman, pero hindi pa nagkakaroon ng karelasyon sa buong buhay niya.

Sa September 25 na ipalalabas sa mga sinehan ang Jowable, na usap-usapan dahil sa mga balahurang dialogue nito.

“Sabi ko kay Kim, parang mas awkward siya for us,” ani Jerald na napapanood ngayon sa GMA-7.

“Kasi para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin, habang magkapatong sa kama.”

Dagdag pa ng aktor, “Tapos yung habang hinahalik-halikan mo, biglang may ‘o, ibang anggulo,’ ha? sandali… okay, okay,’ parang ganun.”

"Mas awkward siya for me," singit ni Kim na isa namang ABS-CBN actress.

Inamin pa ng aktres na mas relax pa siya nang gawin ang bed scene nila ni Kit sa MOMOL Nights, dahil alam niyang trabaho lang ang ginagawa nila noon ng aktor.

Ani Kim, “Nag-usap kami ni Kit na, ‘o gawin na natin para isang take.’ Work lang po talaga yung nasa utak namin.”

A BED SCENE THAT IS "DE NUMERO"

Sa nag-iisang love scene nila ni Jerald sa Jowable, sinabi ni Kim na “sobrang kinabahan” daw talaga siya.

Sabi ni Kim, “Pero with Je, medyo kinabahan ako…sobrang kinabahan ako. Kinailangan kong mag-prepare. Kasi nga sabi ko kay Direk [Darryl Yap], ‘natatawa na ako agad.’

“E, yung mga pinagawa pa sa amin ni Direk nakakatawa.

“Kasi hindi naman siya yung tipikal na bed scene like what I did with Kit. It’s different.

“Kaya mas awkward siguro kasi very detailed.”

Inamin naman ni Direk Darryl na “sobrang kakaiba” ang bed scene nina Kim at Jerald, dahil “de numero” ang nasabing eksena.

“Bago i-take po yung bed scene, si Kim po, medyo spaced out na. Parang tulala siya konti, kasi talagang basa sila dun from the rain,” kuwento ng direktor.

“Tapos si Je na po ang kausap ko kung ano ang gusto kong mangyari. Kaya nung sinabi niyang naintindihan na niya, ‘tsaka niya na po kinausap si Kim.”

REACTION OF KIM’S PARENTS

Kasabay nito, inamin ni Kim na bagamat masaya ang kanyang “very strict” at “very religious” parents sa launching movie niya, nag-aalala naman ang mga ito sa bed scene nila ni Jerald sa Jowable, partikular na ang kanyang ina.

“She’s very proud, but kinakabahan lang siya kasi alam naman ng lahat na, since andun sa trailer, na may bed scene po ako with my real boyfriend.

“Ang kinakaba pala ng parents ko ngayon is medyo awkward daw silang mapapanood yung anak nila at ang totoong boyfriend ng anak nila sa screen.

Paliwanag pa ni Kim, “It’s a different side of a relationship that the parents will be able to see sa big screen, so it’s weird for them.”

Parehong nasa Saudi Arabia ang mga magulang ni Kim, kung saan lumaki ang aktres.

Sa matagumpay na stage musical na Rak of Aegis nagkakilala sina Kim at Jerald, kung saan magka-love team ang karakter nila.

Sa ngayon ay limang taon na silang magkarelasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Kim Molina says she felt "awkward" doing her love scene with boyfriend Jerald Napoles in her launching movie, Jowable, which will open in cinemas on September 25, 2019. The actor agreed by saying, "Para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin, habang magkapatong sa kama."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results