Humingi ng paumanhin si Liza Soberano, 21, kaugnay ng kanyang komento na may kinalaman sa ethnicity o lahi, partikular ang pagiging “black.”
Nitong Lunes, September 16, ay nag-post ang Kapamilya actress ng kanyang larawan na naka-costume para sa bagong endorsement niya ng isang fast-food chain.
Afro-look ang tema ng costume ni Liza, na may Afro wig at leopard-skin top.
Sa comments section, isang netizen ang nagsabing "blackface" o isang uri ng diskriminasyon ang ginawa ni Liza.
Binatikos din ng isa pang netizen si Liza sa pagsusuot ng kulot na wig, dahil pagkutya raw ito sa black people.
Sinagot ni Liza ang akusasyon laban sa kanya.
Aniya, “this is not any form of black face.
"It’s a costume just like how any other person would dress up if they were portraying a famous character.
"In this case its Mel B."
Si Mel B ay miyembro ng ‘90s all-girl British group na Spice Girls.

Sinundan ito ni Liza ng isa pang comment para ipagtanggol ang sarili.
Ginawa niyang halimbawa ang magkapatid na black actors na sina Marlon at Shawn Wayans na bida sa 2004 Hollywood comedy movie na White Chicks.
Gumanap ang dalawa bilang black cops na nagpanggap na Caucasian women.
Komento ni Liza: "so what do you call the Wayans siblings when they had to act like white girls?
"I think you dont understand the context of black face. A lot of women have afro’s it doesn’t specifically belong to one ethnicity.”

Dahil sa pagiging sensitibo ng paksa, may netizens na hindi nagustuhan ang mga komento ni Liza.
Humingi ng paumanhin dito ang Kapamilya actress.
Ani Liza, “Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole 'black face' issue.
"It wasn’t of my intention to mock anyone of any culture or ethnicity.”
Nangako rin ang aktres na magiging maingat na siya sa kanyang mga bibitawang salita, lalo na sa mga sensitibong usapin.
“I understand that this is a sensitive topic and that I should’ve kept my mouth shut.
"For now on I will try to be more educated about matters like this to make sure I don’t make careless mistakes like this again in the future.”
Sabi pa niya, “Cultural appropriation is an issue that is deep rooted in society which I am still educating myself on.
"I’ve read your comments and tweets and I honestly do understand where this backlash has come from.”
WHAT IS BLACKFACE?
Ang “blackface” ay itinuturing pa ring sensitibong paksa na may kinalaman sa “kulay” o lahi ng tao.
Sa isang artikulo na lumabas sa vox.com, na may titulong “Don't get what's wrong with blackface? Here's why it's so offensive,” tinalakay rito ang origin ng blackface at kung bakit isang uri ito ng diskriminasyon.
Ang blackface ay ang pagmi-make-up ng itim sa mukha ng isang performer sa isang pagtatanghal sa entablado noon.
Ginagawa ito ng performer na pumapapel na “black” person, na sa ilang bahagi ng mundo ay itinuturing na alipin at manggagawa sa mga plantasyon.
