Sa presscon ng Los Bastardos ngayong araw, September 18, nilinaw nina Kylie Verzosa at Maxine Medina ang tungkol sa isyu na kinasangkutan nila.
Ani Kylie, nadala lang daw talaga siya sa eksena. Sabi naman ni Maxine, dapat daw kasi ay napag-usapan muna nila ni Kylie kung ano ang magaganap sa kumprontasyon nila.
Ipinahayag naman ni Kylie na nasaktan din siya sa nangyari matapos ang eksena nila dahil sa mga naglabasang isyu. Sinagot din niya kung bakit inabot ng apat na araw bago sila nagkaayos ni Maxine.






