PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sitti Navarro gave up career opportunity for this reason

Does Sitti Navarro regret giving up a big career opportunity in the past?
by Ruel J. Mendoza
Published Sep 22, 2019
Sitti Navarro says that when she got pregnant, she could no longer do her club tour for her album titled Electro Sitti.

Ang maasikaso ang kanyang pamilya ang masasabing importanteng nangyari sa career ng nakilalang Bossa Nova Queen na si Sitti Navarro.

Simula raw noong mabuntis siya noong September 2018, nagbago na raw ang priorities niya sa buhay.

Sa interview niya sa morning program na Magandang Buhay ng ABS-CBN, kinuwento nito ang naging pagbabago sa buhay niya simula noong maging isang nanay na siya. Nagawa niyang tanggihan ang maraming trabaho dahil sa hangad niyang magkaroon ng sariling pamilya.

"Months before that nag-release ako ng Electro Sitti na album. Sobrang iba siya. Siyempre kilala ako sa bossa nova and I did this experimental album which is electronic music na sobrang excited ako gawin. All original.

"Handa na akong mapuyat kasi may club tour, pero yun pala yung plano ni Lord for me na puyat ay dahil sa baby.

"So naisantabi siya. Pero sa akin, parang okay lang for me na hindi siya natuloy kasi naniniwala ako na lahat ng pangarap natin, kung para sa atin talaga siya, mangyayari siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang naging sakripisyo na ito ni Sitti sa kanyang career ay naging paghahanda pala sa mas magandang mangyayari pa sa buhay niya.

"Hindi man nangyari yung club tour na yun may iba namang plano si Lord for me, which is this coming September 28.

"I'll be participating in an international jazz festival in Malaysia.

"Sobrang yun ang dream come true ko, na pangarap ko siya years back even before I got married I think, tapos nakalimutan ko na.

"And then ngayon na puyat-puyat ako na hindi ko na iniisip ang musika ko biglang ngayon siya ginantimpala ng Panginoon, so sobrang thankful ako."

Ang mister ni Sitti ay si Joey Ramirez at ipinanganak niya ang baby nila na si Issiah Danelle noong November 4, 2018.

Nakilala si Sitti dahil sa pag-revive nito ng bossa nova music noong 2006. Nabigyan siya ng titulong Bossa Nova Queen dahil nagawaran ng 2x Platinum ang debut album niya na Café Bossa. Naging hit ang mga singles niya sa album na "Tattooed On My Mind," "Hey Look at the Sun," "I Didn't Know I Was Looking for Love," and "Para Sa Akin." Naglabas din siya ng live album ng Café Bossa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Weekly na napapanood noon si Sitti sa ASAP Sessionista segment ng Sunday variety show ng ABS-CBN na ASAP.

Nagsimulang mag-perform sa edad na 16 si Sitti at kabilang siya sa mga nagsimula sa famous Calesa Bar ng Hyatt Hotel. In 2004, sumali si Sitti sa MTV Supahstar: D' Super Search, kunsaan isa siya sa mga nanalo.

In 2008, sinubukan ni Sitti ang lumabas sa stage musical na Katy! ng Music Theater Philippines at noong 2009, lumabas siya sa stageplay na Martha ng Atlantis Production.

Sa TV naman, lumabas sa mga teleseryeng Angelito: Batang Ama at Ysabella si Sitti.

Naging beauty queen din si Sitti dahil napanalunan niya ang titulong Miss Visayas 2001 sa Miss Travel Girl Pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sitti Navarro says that when she got pregnant, she could no longer do her club tour for her album titled Electro Sitti.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results