PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bettina Carlos finally forgives the father of her child

Her first book is titled "Heartbreaks & Breakthroughs: Making Sense of God’s Purpose for Pain."
by Rose Garcia
Published Sep 20, 2019 | Updated Sep 20, 2019
Bettina Carlos on prioritizing her daughter over her showbiz career: “Pera o pamilya? Pera o anak mo? So it was really a season of introspection na, oo nga, nagiging feeling ko good parent ako, kasi I provide everything for my child. But, at the same time, I’m the only parent that the child has, and yet I’m not there."
PHOTO/S: Bettinna Carlos Instagram

Isa nang author ng libro ang actress-TV host na si Bettina Carlos.

Kasabay ng nakaraang Manila International Book Fair (MIBF) 2019 sa SMX Convention Center sa Pasay City noong nakaraang linggo, inilunsad ni Bettina ang kanyang kauna-unahang libro, ang Heartbreaks & Breakthroughs: Making Sense of God’s Purpose for Pain.

Ang anim na buwan sa kanyang buhay, kung saan dumaan siya sa maraming pagsubok, ang napili ni Bettina na ibahagi sa libro niya.

“I wrote about a specific period of my life na ang dami, sunud-sunod na pagsubok that made me question, ‘Lord, bakit ito nangyayari sa akin?’

“Kaya ang title niya, Breakthroughs, kasi after those heartbreaks, may breakthroughs from God,” pahayag ni Bettina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa OMFLit booth ng MIBF 2019 noong September 14, 2019, Sabado.

Tatlong taon na raw niyang nakilala at tinanggap ang Diyos nang mangyari ang mga pagsubok na iyon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nga nila, it’s a journey, di ba? Paglalakbay siya.

“Sometimes you reach a point na, ‘Akala ko ganito na ako ka-strong dapat, pero bakit dumadaan pa rin ako sa pagsubok?’

“Yun ang ways talaga ni God, grace ni God yun to draw you closer to Him.”

Dalawang taon na raw may alok na gumawa siya ng libro. Pero noong panahong iyon, iba ang content na nasa isip niya.

Lahad ni Bettina, “This time, it’s really, really to write a book for single mom, single parent.

“When I came back to OMFLit, kasi sila yung may offer two years ago, kumatok ako and if yung offer ready pa rin ba, and they’re ready to meet.

“Blessing ni God kasi dapat hindi ito yung first book. Dapat Devotional.”

Halos araw-araw na nagpu-post ng Daily Devotional si Bettina sa kanyang Instagram account at nakagawa raw siya ng compilation.

SINGLE PARENT

Tatlong linggo raw ginawa ni Bettina ang kauna-unahan niyang libro. Sinimulan niya itong isinulat noong July 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The starting point when I got sick,” lahad niya.

“If you remember, nagka-cancer cell ako.

“I thought it’s cancer, basta something serious.

“But in God’s sovereignty, love, and grace, that’s what He used to call my attention.

“Sobrang workaholic ako dahil single parent ako.

“Feeling ko, kailangan kong gawin lahat, pero hindi ko namamalayan na nasa-sacrifice ko ang sarili ko.

“And it’s because I want to provide for my child but, deep in my heart, may pride.

“Kasi, gusto kong patunayan sa mga nanakit sa akin na kaya ko kahit wala ka, ganun.

“You would see, you would hear my bitter heart transform.

“That’s how the Lord softens me and how I am a different parent, single mom because of this.”

Sabi pa niya, “Kasi, di ba, ang tendency ng single parent, ‘Nanay at tatay ako!’

“But the Lord opened my eyes that I am just the mother and God is the father.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FORGIVING THE FATHER OF HER CHILD

Ayon kay Bettina, napatawad na niya ang ama ng kanyang anak.

Mababasa rin daw ito sa kanyang libro.

Natatawang sabi niya, “At the back, I have a bonus page on tips on meeting your ex!”

Nakipagkita raw siya sa ama ng kanyang anak may dalawang taon na ang nakararaan.

Kuwento ni Bettina, “Nag-initiate siya, but I’m not ready.

“Akala ko after five years of not talking, ready na ako.

“Kasi, kapag hindi mo nakikita, akala mo okay ka na, na-forgive mo na.

“But at the sign na nagparamdam, nabato ko ang cell phone ko, e! Nag-text lang.

“So ako, hindi pa pala ako nakapag-forgive. Hindi pa pala...

“And I knew I had to deal with it. Part yun ng journey."

Patuloy niya, “And it’s so liberating.

“And I pray for all the single moms of forgiving. It’s not for yourself, it’s for your child.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang inspirasyon ni Bettina sa pagsusulat ng libro ay ang anak niyang si Amanda Lucia o Gummy.

Very proud daw ang kanyang anak na kahit wala pa ang libro ay ipinagkakalat na nitong “My mommy is an author.”

May naka-lineup na rin daw na susunod niyang gagawing libro sa OMFLit.

LEAVING SHOWBIZ

Hindi man aktibo sa pelikula at telebisyon ngayon si Bettina, napakaaktibo naman niya sa social media, partikular na sa Instagram kung saan marami ang nai-inspire sa kanyang posts.

Dahil sa daang pinili niya ay tinalikuran ni Bettina ang mga oportunidad bilang isang aktres.

“Yes, kasi it was also during that time na pinapili talaga ako ni God,” pag-amin niya.

“Pera o pamilya? Pera o anak mo?

“So it was really a season of introspection na, oo nga, nagiging feeling ko good parent ako, kasi I provide everything for my child.

“But, at the same time, I’m the only parent that the child has, and yet I’m not there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ba talaga ang mahalaga sa akin? To provide for my child or to be a present parent or if I can do both na sapat lang?

“Sapat naman yung kinikita ko, nabubuhay naman kami.

“Kung ano ang designed ni God sa nanay, sinunod ko yun.

“And yung kinikita ko dati sa nagti-TV ako and compared to how we are blessed now, so much more.

“So, yun ang faithfulness ni God.”

Ang huling teleserye na ginawa ni Bettina sa Kapuso network ay ang Sa Piling Ni Nanay noong 2016 pa. Pero ang huling programa niya ay Idol sa Kusina.

Wala ba siyang panghihinayang na iniwan niya ang showbiz?

“Wala akong regret,” sagot ni Bettina.

“Nakaka-miss yung craft itself. Nakaka-miss magmaldita kasi hindi mo yun nagagawa in real life.

“Pero kapag iniisip ko pa lang yung the hours that I will be away from my child, again, I will go back to… isa na nga lang akong magulang, wala pa ako at hindi ko maibabalik yun sa anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin naman daw isinasara ni Bettina ang posibilidad na babalik rin siya sa pag-arte.

Pero sabi nga niya, “I just know my priority now.”

Natatawang inamin ni Bettina na may offer sa kanyang teleserye.

“Meron... pero I think it’s important that you know your priority and hindi ka mahihirapan na mag-no.”

Paglilinaw rin niya, “I do hosting.

“Anyway, I still can act as long as it won’t take me a really long time for my child. Yun talaga.

“A whole day, it’s okay, pero yung long-term commitment, hindi siguro.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bettina Carlos on prioritizing her daughter over her showbiz career: “Pera o pamilya? Pera o anak mo? So it was really a season of introspection na, oo nga, nagiging feeling ko good parent ako, kasi I provide everything for my child. But, at the same time, I’m the only parent that the child has, and yet I’m not there."
PHOTO/S: Bettinna Carlos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results