PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Killer of Papadom's wife sentenced to life imprisonment

Papadom Gamboa's wife killer gets reclusion perpetua.
by Arniel C. Serato
Published Sep 20, 2019
The killer of Maria Amparo Concepcion Santaromana Gamboa, wife of the late Tropical Depression frontman Papadom, was sentenced to life imprisonment by acting Presiding Judge Giovanni Esguerra Vidal of Makati City Regional Trial Court Branch 149.
PHOTO/S: Facebook

Habang buhay na pagkakakulong ang hatol ng husgado sa killer ni Maria Amparo Concepcion Santaromana Gamboa, asawa ng yumaong frontman ng bandang Tropical Depression na si Dominic “Papadom” Gamboa.

Sa 20-pahinang desisyon ni acting Presiding Judge Giovanni Esguerra Vidal ng Makati City Regional Trial Court Branch 149, guilty si Nitro Ison sa complex crime of robbery with homicide sa pagpatay nito kay Gamboa noong 2016.

Sa desisyon din ng korte na inilabas kahapon, September 19, hindi maaaring mag-apply ng parole si Ison sa salang kanyang ginawa.

Inatasan din siya ng korte na magbayad sa pamilya ni Gamboa ng P75,000 bilang civil indemnity, P283,770.50 para sa actual damages; P75,000 sa moral damages; at P50,000 para sa temperate damages.

February 10, 2016, nag-alala ang mga kaanak ni Gamboa nang hindi ito umuwi galing sa pinagtatrabahuang call center.

Kalaunan, may natagpuang bangkay ng babae ang Makati Police sa Kalayaan Avenue, malapit sa Barrio Bisaya, Barangay Guadalupe Nuevo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi agad ito nakilala ng pulisya hanggang sa ang mga kamag-anak na mismo ang nagkumpirmang ang bangkay ay ang asawa ni Papadom.

Pagkalipas ng dalawang buwan, nahuli ang suspekPsap na si Ison.

Nalaman sa imbestigasyon na inagaw ni Ison ang taxi na sinakyan ni Gamboa.

Notorious diumano ang suspek sa pang-aagaw ng taxi at pambibiktima ng mga babaeng pasahero nito.

Samantala, namatay naman sa kidney failure ang Tropical Depression frontman na si Papadom noong December 18, 2013.

Mayroon silang naulilang dalawang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The killer of Maria Amparo Concepcion Santaromana Gamboa, wife of the late Tropical Depression frontman Papadom, was sentenced to life imprisonment by acting Presiding Judge Giovanni Esguerra Vidal of Makati City Regional Trial Court Branch 149.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results