Magkahiwalay si Rocco Nacino at ang non-showbiz girlfriend niyang si Melissa Gohing sa kanilang second anniversary noong nakaraang Miyerkules, September 18.
Si Melissa ay isang professional volleyball player para sa Creamline Cool Smashers.
Umalis ng bansa ni Rocco noong araw na iyon. Kasama kasi siya sa 2019 Kapuso All-Star Basketball Game na itinanghal sa Dubai kahapon, Biyernes, September 20.
Tampok din dito sina Mike Tan, Kristoffer Martin, André Paras, Mikael Daez, Derrick Monasterio, at Mark Herras. Muse nila si Janine Gutierrez.
Kaya nag-post ng mensahe si Rocco para sa kanyang girlfriend via Instagram:
Sinorpresa naman ni Melissa si Rocco ng isang 2-minute video ng kanilang mga naging date nights at beach trips, kasama ang kanilang pet Corgis na sina Valentine at Arrow.
