Enchong Dee: "Maraming matatalinong artista."
Aside from being an actor, isa ring businessman si Enchong Dee. Sa katunayan, hindi lang isa ang negosyong pag-aari niya o bahagi siya.
Aniya, naniniwala siyang hindi dapat sinasayang ang oras at ang pera sa mga walang-kabuluhang bagay.
"I want to motivate people na, you know, use your money wisely," sabi pa niya.
Bukod pa sa pag-aartista at pagnenegosyo, nagte-take din ng business course si Enchong upang ma-improve pa ang sarili.
Gusto rin daw niyang ituwid ang maling impression sa mga artista.
"Maraming matatalinong artista... it's just that nalagyan lang siguro ng stigma na kapag artista, walang utak. But it's not true. Maraming matatalino."
Para sa kabuuan ng kanyang PEP Live interview, mag-click dito: https://www.youtube.com/watch?v=CMoU706Zu0A
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel





