Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Lovi Poe confirms long-distance relationship with British gent

by Rommel Gonzales
Sep 22, 2019
Lovi Poe admits her long-distance relationship with British gent Monty Blencowe.
PHOTO/S: Lovi Poe Instagram

May espesyal na lalaki ngayon sa buhay ni Lovi Poe.

Isang English guy na nagngangalang Monty Blencowe ang nagbibigay-kulay ngayon sa mundo ni Lovi.

Ayon sa Kapuso actress, “I met him in L.A. He’s a scientist, he’s a medical scientist.”

Ipinakilala raw sila ni Monty sa isa’t isa ng isa nilang common friend.

Sa tanong namin kay Lovi kung boyfriend na niya si Monty…

“Basta special iyon,” at tumawa si Lovi.

Ilang buwan nang espesyal sa buhay niya si Monty?

Estima niya, “I don’t know, since I was there.”

Bago pa nagbakasyon ng limang buwan si Lovi sa Los Angeles ay kakilala na niya si Monty.

Pakli niya, “Matagal na.”

Si Monty ang guwapong lalaki na nasa Instagram posts ni Lovi na kasama niya sa Disneyland sa Los Angeles at sa Royal Ascot.

Continue reading below ↓

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Pero ngayong umuwi na si Lovi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang showbiz career niya, paano si Monty sa L.A.?

Aniya, “Nag-visit din naman siya dito.”

Pero maituturing bang long-distance-relationship o LDR ang namamagitan sa kanila?

Tugon niya, “Yeah.”

Naniniwala ba si Lovi sa LDR?

Pahayag niya, “I believe it’s possible. It’s something that I’ve seen some of my friends go through.”

Continue reading below ↓

Nag-work out naman daw ito sa mga kaibigan niya.

Naganap ang interview namin kay Lovi nitong nakaraang Biyernes, September 20, sa Felicidad Mansion Events Place sa Roosevelt Avenue sa Quezon City sa taping ng Beautiful Justice. Guest si Lovi sa naturang GMA drama series.

COMMUNICATION

May arrangement ba sila ni Monty sa kung sino ang pupunta kung kanino?

Pag-amin niya, “Yes, sometimes parang ganun.

"I think everything naman boils down to communication and compromise.”

Si Monty na ba ang “the right one?”

“Oh my God,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Well you know, when you get into something naman, you always pray that things work out.

"You never want things to turn out to be negative, you know.”

LONG-TERM PLANS?

Pang long-term?

Paglinaw niya, “I can’t use the word long-term but it’s just that, I think I speak for everyone when I say that people don’t enter something not wanting it to be the right thing or the right person.”

Continue reading below ↓

Alam ba ni Monty kung gaano ka-busy si Lovi bilang artista sa Pilipinas?

“Ngayon alam na niya,” at natawa si Lovi.

CAMEO ROLE

Speaking of artista, may cameo role si Lovi bilang guest sa Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Bea Binene at Gabbi Garcia.

Biro nga namin kay Lovi, walang challenge ang papel niya sa naturang GMA drama series kahit na ba limang buwan siyang may acting session sa mga acting coach sa Amerika habang naroroon siya.

“Yeah,” at tumawa si lovi.

“Kaya sabi ko, ‘Paano kayang acting ang gagawin ko?’

“Natuwa ako kasi parang, ‘Ay, at least naisip naman nila ako dito for this.’

“It’s nakakakilig, nakaka-flatter because it’s like, siyempre all these beautiful women, Gabbi, Bea and Yasmien.

“So it’s just like, just to be, like to do a cameo here, talaga namang nakakatuwa.

“As Lovi Poe pa.”

Nag-guest din si Lovi sa Tadhana na ipinalabas kahapon, Sabado, at sa susunod na Sabado sa two-part episode na pinamagatang "CEO Maid."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe admits her long-distance relationship with British gent Monty Blencowe.
PHOTO/S: Lovi Poe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results