Nagkasama sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao sa dalawang mall shows matapos mapabalitang hiwalay na sila.
“Pag nagkikita kami, okay naman. I believe na naka-move on naman agad,” matamang sagot ni Heaven.
“Yes, nagka-work na kami sa BNY. We had mall shows twice, okay naman.”
Awkward ba?
“Siyempre, alam mo yun, once naging close kayo, 'tapos biglang hindi. Okay na rin naman, it's for the better."
May chance bang magkabalikan sila?
“Sa amin na yun. Basta ako ngayon, I'm enjoying lang kung ano ang mayroon ako.
"I'm not closing my doors naman, dapat lagi namang ganun.
"In time, in God's time. Kung talagang kami, kami.”
Ano ang aral na natutunan niya sa nangyari?
“Siguro, i-make sure mo lang na yung tao na yun, alam ang worth mo at rerespetuhin ka."
Sa ngayon ay hindi muna tumatanggap ng manliligaw si Heaven.
“Ayoko muna naman. Siguro, ako muna, loving myself muna."
Nakapanayam ng PEP.ph at Cinema News si Heaven sa 2019 ABS-CBN ball noong Setyembre 14, Sabado, sa Shangri-La at The Fort, Taguig City.
SOLO FLIGHT AT THE BALL
Solo flight si Heaven nang dumalo sa 2019 ABS-CBN Ball.
Saad niya, “Yes and I'm very happy naman, complete naman ako.
"I feel like... di naman kailangang may ka-date ka para maging complete yung isang night, yung isang event.
“Ako, enjoying lang with my friends, and masaya naman ako.
“I feel honored, this is my fourth time na rin at nakikita pa rin ako sa ABS-CBN and it's for the benefit of Bantay Bata.
“Masaya na I'm giving them the chance to change this world to make it a better world.
"For me, knowledge is power and ito nga pong gala natin ngayon is for education.
“Yes, I have three siblings at lahat sila, bata pa. I believe na ang mga kabataan, talagang sila ang solusyon para sa future."
Abala ang Kapamilya actress sa ilang proyekto ng network.
Nag-taping siya para sa Ipaglaban Mo. Kasali rin siya sa teleseryeng Starla ni Judy Ann Santos, at sa digital series na 400 Miles nina Iza Calzado at Jameson Blake.
