Unaffected si Ryza Cenon sa balitang nagkakamabutihan ang ex-boyfriend niyang si Cholo Barretto at si Angelica Panganiban.
“Kung anuman ang sa kanila, wala na ako doon,” kaswal na pahayag ni Ryza nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2019 nitong Setyembre 14, Sabado, sa Shangri-La at The Fort, Taguig City.
“Kaya nga break na kami, e. Kung doon sila masaya, masaya ako para sa kanila.
“Okay naman ako."
Nakapag-move on ba siya mula sa breakup nila ni Cholo?
Sagot ni Ryza, "Moving on? Tapos na, new journey na, new chapter na tayo."
Ano ang aral na natutunan niya sa katatapos na relasyon?
“Love yourself, always."
THE GENERAL'S DAUGHTER
Sa nalalapit na pagtatapos sa ere ng The General's Daughter, nauna nang nawala ang mga karakter nina Maricel Soriano at Arjo Atayde.
Pagkukuwento ni Ryza, na-miss nila ang dalawang nawalang artista sa set.
“Nalungkot din kami, kasi siyempre, may nawala sa part ng family namin.
"Sobrang bonding na rin namin sa set pero need yun sa story," pahayag niya.
