PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapamilya star Alex Gonzaga denies snubbing Kapuso stars Ken Chan, Rita Daniela

Alex Gonzaga clarifies alleged snubbing incident with Kapuso stars Ken Chan and Rita Daniela.
by Bernie V. Franco
Published Sep 24, 2019
Alex Gonzaga (left photo) responds to entertainment columnist Lolit Solis's claim that she snubbed Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan (right photo) at the airport.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tahasang itinanggi ni Alex Gonzaga, 31, ang akusasyon ng batikang entertainment columnist/talent manager na si Lolit Solis na inisnab diumano niya ang Kapuso stars na sina Ken Chan, 26, at Rita Daniela, 24, sa isang airport sa Mindanao.

Nitong Lunes, September 23, nag-post si Lolit, 72, tungkol sa insidente.

Ayon sa kolumnista, nagpunta ang ABS-CBN at GMA-7 stars sa Mindanao para mag-promote ng kani-kanilang shows.

Sa airport daw ay nagkasabay-sabay ang mga artista ng rival TV networks, kabilang sina Ken, Rita, at Alex.

Ayon kay Lolit, walang problema kung hindi magpansinan ang mga artista kung ayaw nila ang isa’t isa.

“[P]ero ang maituturing mong kabastusan iyon nilapitan ka na at nagpakilala sa iyo, lalo pa sa kapwa mo artista, siguro naman hindi ganun kamahal ang ngiti mo lalo na at kasamahan mo sa trabaho,” dagdag niya.

Kuwento pa ni Lolit, lumapit daw sina Ken at Rita kay Alex para sabihing iniidolo nila ang Kapamilya star bilang isang vlogger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tumango lang daw si Alex at parang dedma. Wow. Snob? Big star?”

Matapos ito ay ikinumpara ni Lolit ang kasikatan nina Ken at Rita kay Alex.

Sabi niya, "Actually kila Ken at Rita ako nainis ha. Artista sila, hindi sila dapat umarte na parang bigger star si Alex.

"Naku, tingnan nga natin kung sabay na nasa gitna ng crowd silang 3 kung sino may mas malakas na tili, sure ako mas malakas si Ken Chan.

"Si Rita baka mas malakas pa kaysa kay Alex noh. Taray."

Sina Ken at Rita ay kabilang sa mga artistang nagtungo sa Cagayan de Oro, Mindanao noong August 31 para sa Higalaay Festival at para i-promote ang kanilang upcoming telelserye na One of the Baes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ALEX DENIES SNUBBING INCIDENT WITH KAPUSO STARS

Tahasan namang itinanggi ni Alex ang paratang sa kanya ni Lolit.

Sa comments section ng post ni Lolit, sumagot si Alex.

Kinuwestiyon ni Alex ang source ni Lolit, at inahayag ang kanyang bersiyon ng pangyayari.

Pahayag ng Kapamilya star, “Ayyy nanay lolit, di po tayo magkakilala pero sino po source nyo mukhang mali ata kasi nagkamayan at nghi pa po kami sa isa isa at lahat ng iba pang GMA artists sa lounge."

Dagdag ni Aex, “Niretweet ko pa si ken noon dahil nagchambe chambe sya.

“Lastly Salamat po sa mga salita nyo tungkol sakin ah, heartwarming”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS' REACTION

Magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa post ni Lolit.

May mga kumampi at may mga bumatikos kay Alex.

May isang netizen na nagtanong kay Alex kung bakit laging nakukuwestiyon ang kanyang attitude.

Sinagot naman ito ni Alex.

Aniya, “siguro kasi loud ang image ko and my humor thats why people can make up stories about me na pwede ka maniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s okay. My real friends and family know who i am.”

Ito ang pangalawang beses na nasangkot si Alex sa insidenteng nangyari sa airport ngayong buwan.

Noong September 9, nag-post ang isang netizen sa social media tungkol sa karanasan ng kanyang kaibigang buntis sa pila sa immigration, kung saan tinangka raw ni Alex at ng kanyang mga magulang na sumingit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patungong Japan noon si Alex at ang kanyang mga magulang.

Sunud-sunod ang naging tweets ni Alex upang itanggi ang akusasyon sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (left photo) responds to entertainment columnist Lolit Solis's claim that she snubbed Kapuso stars Rita Daniela and Ken Chan (right photo) at the airport.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results