PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez gets starstruck with Sharon Cuneta

Regine Velasquez recalls the diamond ring that she received from Sharon Cuneta in 2018.
by Rose Garcia
Published Sep 24, 2019
Sharon Cuneta (right) gave a diamond ring to Regine Velasquez when she was a guest in the latter's concert in 2018.
PHOTO/S: Noel Orsal

Apat na dekada na sa showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta, at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay tatlong dekada na.

Sa unang pagkakataon ay magsasanib-puwersa sila sa Iconic concert na gagawin sa October 18 and 19 sa Araneta Coliseum.

“Actually, ngayon lang talaga. I was able to work with her kapag naggi-guest lang ako sa concert niya,” sabi ni Regine sa Iconic press con noong Setyembre 23, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Binigyan ni Sharon ng diamond ring si Regine nang mag-guest ito sa concert ni Songbird noong 2018.

Hirit ni Regine, nasa safe na ang singsing na iyon na milyones ang halaga.

Natawa si Regine nang biruin namin kung nag-e-expect ba siya na may ibibigay muli si Mega sa kanya sa Iconic concert nila.

“Bakit naman ako mag-e-expect?” natawang sabi niya.

Na-stress na ako!” natatawang sabi rin ni Regine nang sabihan ito na baka siya naman ang inaasahan ng mga manonood na may paandar para kay Sharon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, I’ll gonna give her something—hindi ko kasi kayang tumbasan yun, 'no!

"But it’s got to be something special if I’ll give her something."

THE SONGBIRD IS A SHARONIAN

Aminado si Regine na fan siya ni Sharon.

Natutulala raw siya rito lalo na noong mga unang nagkakasama sila.

Natutulala ako, nagtataka siya,” lahad ni Regine.

“Hindi ako makasalita, wala akong sinasabi. Tinatanong niya ako, sumasagot iyung asawa ko.”

May panahong intimidated siya kay Sharon?

“Hindi, nai-starstruck ako,” pag-amin niya.

“Simula nang mag-artista ako, parang siya yung nai-starstruck ako.”

Karamihan ng pelikula ni Sharon ay napanood ni Regine.

“Pinaka-favorite ko ang Bukas, Luluhod Ang Mga Tala. Feel na feel ko yun.

"Kasi, parang story ng buhay ko yun. Yung nagsasalita siya noon sa bintana."

May pinatungkulan ba siya na “bukas, luluhod ang mga tala” o yung mga nang-api sa kanya dati?

“Nothing like that, hindi naman yung ganun ka-literal.

"It was... my story was something like that, from rags to riches.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naghirap ka talaga, gapang talaga, so ganun yun, that’s why I can relate.

"At saka, pinanood ko yun sa sinehan talaga, sa Meycauayan.”

Sabi pa ni Regine, “Pinilahan ko yun nang bonggang-bongga.”

Pareho silang produkto ng Viva. Kung ngayon ay sa concert pa lang ang pagsasama nila, nakikita niya kayang movie naman ang susunod?

“I don’t know, hopefully, I would be happy too,” pakli ni Regine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (right) gave a diamond ring to Regine Velasquez when she was a guest in the latter's concert in 2018.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results