Dahil sa pamba-bash na naranasan sa social media, aminado si Yeng Constantino na hanggang ngayon ay ninenerbyos daw siya kapag nakakakita ng logo ng YouTube, Twitter, Instagram, at Facebook.

Pinutakti ng pamba-bash si Yeng matapos niyang kastiguhin ang isang doktor at isang ospital sa Siargao, kunsaan naaksidente ang kanyang asawang si Yan Asuncion. Naglabas ng sama ng loob at kinastigo ni Yeng sa pamamagitan ng kanyang vlog nung July 11, ang doktor na si Dra. Esterlina Tan at ang Dapa District Hospital dahil sa aniya'y hindi magandang paraan ng pagtrato sa kanyang naaksidenteng asawa.

Kalaunan ay gumawa uli ng vlog si Yeng na humihingi ng kapatawaran sa ginawang vlog laban kay Dr. Tan at sa Dapa District Hospital.

Sabi ni Yeng sa interview na ito, kinakabahan daw siya sa tuwing nakakakita siya ng logo ng kahit na anong social media platforms. Na-trauma daw kasi siya nang husto dahil sa naranasang pamba-bash ng netizens.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

NOOD KA MUNA!

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results