Derek Ramsay opens up about relationship with girlfriend Andrea Torres

by Rose Garcia
Sep 26, 2019
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres: "We both have feelings for each other. It’s not just that we’re both physically attracted, it’s deeper than that."
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa una pa lang nilang pagkikita ay nagkaroon na raw ng “connection” ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Lahad ni Derek, “Yung connection naman namin, even before, wala naman kaming alam na magiging ganun kami.

“When we first met, we already had a connection, sa station ID ng GMA. We just connect then.

“If we’re talking about pag-aartista, yung ganyan, may connection. Then, nabuo!”

Natural lang daw ang espesyal na relasyon nila ni Andrea ngayon. Walang ligawan or anything.

Nang diretsahang tinanong kung sila na “officially,” nagkatinginan at nagtawanan sina Derek at Andrea.

At saka sinabi ni Derek na, “Ladies first.”

Masaya raw sila ngayon.

Ayon kay Derek, “We’re so happy. We both enjoy being with each other.

“If we don’t have work... well, yun nga, she doesn’t have to go to Dubai tomorrow, she’s supporting me with my games there.”

Lumipad patungong Dubai, UAE sina Derek at Andrea para sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), kung saan kabilang ang aktor sa koponan ng Batangas City Athletics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sila nga bang dalawa?

“We’re more than friends,” pag-amin ni Derek.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment writers sina Derek at Andrea sa last taping day ng kanilang teleseryeng The Better Woman sa Antipolo, Rizal, nitong Miyerkules, September 25.

A FAMILY AFFAIR

Tinanong sina Derek at Andrea kung bago ang kanilang travels abroad ay sila na.

Natatawang nagkatinginan ang dalawa.

Pahayag ni Derek, “It’s the same right now, we both have feelings for each other.

“It’s not just that we’re both physically attracted, it’s deeper than that.

“In the sense na she met my parents, I met her parents. Our parents have met.”

Ang bagay na ito raw ang mas lalong nagbibigay ng saya sa kanila.

Ayon sa aktor, “My dad and her dad, kailangan mong i-seperate.

“Ang nanay ko, palaging ka-text ang nanay niya.

“First time in my life na my set-up is like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy ni Derek, “How we are close, yung folks niya at folks ko, ganun din. Kasi, we both prioritize family.”

Sa mga nakaraang relasyon niya, hindi ba ganun ang set-up?

Tugon niya, “No, they meet, pero this one, it’s just so natural.

“They really enjoy… nag-birthday ang dad ko, invited din sila.”

Ano ang komento o impression ng mommy ni Derek kay Andrea?

“My mom’s exact words, ‘Yan ang babaeng may breeding,’” lahad ni Derek.

Sabi pa ni Derek tungkol sa kanyang ina, “I’m sure you felt her presence when she looks at you from head to toe.

“My mom’s like that, she loves me. She’s going to size you up.

“Walang comparison, she just wants the best for her son.”

Dahil hanggang bukas na lang ng gabi, September 27, ang The Better Woman, posibleng ang mga susunod nilang teleserye ni Andrea sa GMA-7 ay iba naman ang kapareha nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon kay Derek, “I will never stand her growth as an actress, especially now.

“I will not stop her from growing. She should grow.

“I kept telling her, she should do movies. She really needs to do movies.”

Gusto rin daw ni Derek na makagawa sila ng pelikula na magkasama.

Kilala rin si Andrea sa pagiging sexy actress. Hindi ba niya ito babawalan na magpa-sexy pa?

Tugon ni Derek, “I’m never like that and, like I’ve said, I’ll never stop her from growing.

“If she decides that’s best for her career, all-out ako dun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on girlfriend Andrea Torres: "We both have feelings for each other. It’s not just that we’re both physically attracted, it’s deeper than that."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results