Dumating na kanina sa bansa ang Korean drama actors na sina Park Seo Joon at Jung Hae In para sa kani-kanilang fan meets.
Si Park Seo Joon ay para sa fan meet na hatid ng isang Filipino clothing brand, habang si Jung Hae In ay para sa fan meet niya na gaganapin bukas, September 28.
Sa mga susunod na araw naman, nakatakdang dumating ang iba pang "oppa" para makipag-meet sa kanilang Filipino fans.
Si Lee Dong Wook, dadalhin ng Korean Tourism Office para sa isang event. Si Lee Seung Gi ay darating naman para sa Manila leg ng kanyang Vagabond Voyage fan meeting sa October 12.
Sa October 26 naman, darating for the first time sa Pilipinas ang singer-actor na si Cha Eun Woo para sa kanyang fan meeting.