Arnell Ignacio calls out Gandang Gabi Vice for disrespecting Boy Scouts of the Philippines

by Gorgy Rula
Sep 30, 2019
Arnell Ignacio on two gay members of the Boy Scouts of the Philippines dancing in Gandang Gabi Vice: "Okay na nga yung bakla, e. Wala naman akong isyu dun, e. Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng boy scouts, 'tapos sasayaw ng the usual na… parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na… kahit na anong institusyon, konsepto."
PHOTO/S: Rose Garcia / ABS-CBN

Napagtanto ni Arnell Ignacio na wala nang respeto ang maraming Pilipino sa ilang institusyon.

Basta nag-viral lang, kaagad na pinapatulan at lalong pinapasikat.

Kagaya ng ginawa sa episode ng Gandang Gabi Vice noong September 22, Linggo, kung saan panauhin ang dalawang bading na boy scouts na sina Dave Salvador at Renz de Leon ng Isabela, na nag-viral ang video nilang humahataw ng sayaw sa camping.

Sa pananaw ni Arnell, paglapastangan sa Boy Scouts of the Philippines ang ginawa ni Vice sa dalawang batang bading na Boy Scouts na pinag-dance showdown sa programa.

“Parang wala nang katiting na regulation, discretion na… hindi dahil naaliw tayo ay tama.

“Iilan na lang ang natitira na parang… bigyan naman natin ng sagrado na, like Boy Scouts, iilan na lang nga.

“'Tapos, gagawin pa nating katawa-tawa, nakakaaliw na nagsasayaw,” himutok ni Arnell nang nakapanayam ng writer na ito sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH noong Huwebes, September 26.

Continue reading below ↓

“Okay na nga yung bakla, e. Wala naman akong isyu dun, e.

"Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng Boy Scouts, 'tapos sasayaw ng the usual na… parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na… kahit na anong institusyon, konsepto.

“Ito, iwanan naman natin ito as it is, di ba? So, ano na lang ang natira sa atin kung lahat na lang, puwede nating baklain?

“Iilan na lang 'yan, e. Puwede ba nating i-spare na lang 'yan?”

CALLS FOR REGULATION

Sana, ayon kay Arnell, mamili ng mga ipinapalabas. Hindi porke’t nag-viral at pinag-usapan, kaagad itong ipalalabas sa isang TV show.

“Sa akin lang, anything na na-pick na nag-viral na video, 'tapos ilabas mo na sa telebisyon, nagkakaroon na siya ng mas malaking importansiya lalo.

“Hindi ba puwedeng rebyuhin yung sarili natin na wala naman tayong ilalaman lagi sa isip natin na basta lang mag-trending, natawa tayo, sige na?

Continue reading below ↓

“Wala na tayong katiting na regulation? Wala na ba tayong katiting na discretion na para naman may magsabi ng, ‘Uy, huwag naman 'yan! Hayaan mo na, meron pa namang ibang nakakatuwa.’

“Kasi, tatamaan na yung pangalan ng Boy Scouts.

"Parang sa akin, wala na ba tayong katiting na pangangalagaan na imi-maintain mo lang, for example, ang Boy Scouts?

“Puwede kaya, iwanan na natin yung Boy Scouts kung paano ninyo nakilala, tutal, hindi naman siguro karagdagdang development yung paglandiin mo yung mga kasapi sa Boy Scouts.

“Iyon lang ang pinu-point out ko. Tutal, ang dami-dami pa namang puwede,” sabi pa ni Arnell.

Iyon lang daw ang gusto niya na, sana, maging responsable tayo sa lahat na inilalabas natin.

SEMBLANCE OF GOSPEL TRUTH

Malaking bagay raw na kapag mga maimpluwensiyang celebrity ang naglalabas, naging parang totoo na ito at hindi na kapani-paniwala ang sinasabi ng ilang mas nakakaalam.

“Parang sa akin lang, ganito na ba tayo na kapag, for example, sinabi ng ABS-CBN o, for example, si Vice ang nagsabi na parang ano na, meron na siyang semblance of Gospel truth? Parang ganun na siya kasi, e.

Continue reading below ↓

“Hindi ba natin nararamdaman yun na pati ang ating pamumuhay, morals, may nagtuturo na sa atin?

“Wala na tayong regulation, wala nang may nagsasabi sa akin na ‘yan, hindi puwedeng galawin 'yan.

“Lahat na lang ng sinasabi sa atin, tsina-challenge natin.

“E, bakit pa tayo maglalagay ng institusyon sa gobyerno kung ang tingin natin sa mga mga 'yan ay hindi naman natin susundin na kumbaga, meron tayong rason?
“Tayo lagi ang may karapatan. Di ba, ang gulo?” saad ng dating Overseas Workers Welfare Administrtion (OWWA) deputy administrator.

SOGIE BILL

Bukod sa isyu ng Boy Scouts na nag-viral, marami pa raw mga isyung pinag-uusapan kagaya ng SOGIE bill, pantay na pagtrato sa miyembro ng LGBTQIA community, at iba pa.

Kapag sikat na raw ang nagsalita, malaki ang naiimpluwensya, at bale wala na yung sinasabi ng ilang mas nakakaalam.

“Kagaya ng SOGIE bill, ang daming opinyon na sinasabi na umaayon sila, pero hindi naman pala nila nabasa. Basta nagbibigay na lang sila ng kanilang opinyon.

Continue reading below ↓

“Ang ina-appeal ko lang dito sa mga very powerful celebrities natin, I really hope that… may mga bagay na kumuwidaw na muna tayo, di ba?

“Bigyan niyo naman ng respeto yung mga nag-aaral niyan… at saka kung gusto ninyong mag-participate, e, sumubsob naman kayo sa pagri-research.

“Hindi yung... because you were emotional about it, then you took a survey, and then narinig mo, nagpalakpakan ang mga tao, therefore, iyon na yung tama.

“Kasi, yung mga dini-discuss na on television, mga national issues na magiging epekto hindi lang ngayon kundi… ano na to, e, national na policies na ito na lagi na lang hinahamon.

“Ganito na lang ito, hindi mo na mabigyan ng direksiyon. Kasi, kapag merong magbigay ng direksiyon, merong susulpot na maingay sa social media, na kapag madami ang nag-like, siya naman ang tama.

“Kapag magsalita na magbigay ng kanyang opinyon sa telebisyon, siya na naman ang tama.

"E, yung mga pobreng nag-aral at nag-research, wala na.

Continue reading below ↓

"Wala nang kuwenta ang pinag-aralan ninyo, kasi meron nang nagsalita,” matamang pahayag ni Arnell.

“Kaya ako, ang hinihingi ko naman dun, you have the power to influence the mind and opinions ng mga tao, let us not be too careless na magbitaw ng mga stand na hindi natin thoroughly inaaral.

“Kasi, yung mga binabangga natin, sa opinyon niyo, mukhang hindi lang alam ang mga sinasabi pero inaaral nila 'yan, e,” pakiusap ni Arnell sa kilalang celebrities na madalas pinapakinggan ang kanilang opinyon sa mga maiinit na isyung pinag-uusapan.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng pamunuan ng Gandang Gabi Vice kaugnay ng mga pahayag na ito ni Arnell Ignacio.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio on two gay members of the Boy Scouts of the Philippines dancing in Gandang Gabi Vice: "Okay na nga yung bakla, e. Wala naman akong isyu dun, e. Pero yung paggalang mo naman sa uniporme ng boy scouts, 'tapos sasayaw ng the usual na… parang yung sinasabi ko lang, wala na tayong tinitira na… kahit na anong institusyon, konsepto."
PHOTO/S: Rose Garcia / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results