PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban rants about heavy traffic; takes a swipe at government

Angelica Panganiban takes a swipe at government officials for traffic issues.
by Bernie V. Franco
Published Sep 30, 2019
Actress Angelica Panganiban takes to Twitter to rant about the heavy traffic in the country, which the actress says has been consuming too much time of the Filipinos.
PHOTO/S: Noel Orsal

Idinaan sa sunud-sunod na tweets ng aktres na si Angelica Panganiban, 32, ang pag-alma sa matinding traffic na nararanasan ng mga Pilipino—artista mang kagaya niya o hindi.

Unang nag-tweet si Angelica tungkol sa mabigat na traffic noong September 26, Huwebes.

Aniya: “Question... tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tinukoy ni Angelica kung saang lugar ang tinutukoy niya, pero iyon din ang pangalawang araw ng binansagang “carmaggedon” dahil sa 24-kilometrong paggapang ng north-bound vehicles sa South Luzon Expressway o SLEX.

Naging laman ng mga balita ang matinding traffic sa SLEX sa mga sumunod na araw.

Himutok pa ng Kapamilya actress, ang oras ng mga Pilipino ay nasasayang dahil sa matinding traffic at stress.

“So yung buhay natin, kalahating naubos sa kotse, kalahating stressed?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bunsod ng pagkadismaya ay binatikos ni Angelica ang mga nanunungkulan sa pamahalaan, na siya ring sentimentyo ng maraming netizens.

Tweet ni Angelica, “Tapos, walang care yung government? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad sila nang hindi natin alam?”

Inalmahan din ni Angelica ang isang netizen na nag-tweet ng “wala namang tayong magagawa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkontra ng aktres: “Tao tayo. [Mamamayan] tayo. Bakit walang choice? Bakit mo tatanggapin ang hindi tama? In this life time hindi tayo aalma sa traffic?”

Nakisimpatiya naman si Angelica sa isang netizen na nagsabing masuwerte ang aktres dahil may kotse ito.

Sabi ng netizen, isa siya sa mga pasaherong kailangang tumayo sa loob ng maraming oras sa public transport vehicles papasok sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagsisimula ng construction ng six-kilometer extension ng Skyway noong nakaraang linggo, nagdulot ito ng mabigat na trapiko mula Sta. Rosa, Laguna hanggang Alabang, Muntinlupa.

Ilang araw ring nag-trending sa Twitter ang SLEX dahil sa sunud-sunod ng pagpapahayag ng pagkadismaya ng mga netizen.

Ayon sa official statement ng SLEX management, ang proyektong expansion ay magtatagal ng 18 buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban takes to Twitter to rant about the heavy traffic in the country, which the actress says has been consuming too much time of the Filipinos.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results