Labis na nag-alala ang fans ni Alden Richards sa tweet niya, lagpas hatinggabi nitong Linggo, September 29.
Isang loudly crying face emoji lang ang caption ni Alden sa tweet niyang close-up shot ng rosary bracelet na may St. Benedict’s cross na suot niya habang nagmamaneho.
???? pic.twitter.com/TxrW3g6F6L
— Alden Richards (@aldenrichards02) September 28, 2019
Naging palaisipan sa fans kung ano ang ibig sabihin ng tweet ng 27-anyos na Kapuso actor, lalo na dahil kahit pa bumuhos ang tanong ng mga nag-aalalang tagasuporta, wala silang nakukuhang sagot mula sa kanya.




Nagkani-kaniyang teorya tuloy ang fans kung tungkol saan ang post ni Alden.
Inakala ng iba na napaluha ang aktor matapos niyang mapanood ang nakakaiyak na full trailer ng pelikulang Isa Pa With Feelings.
Bida sa pelikula ang loveteam partner ni Alden na si Maine Mendoza at ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino.
Ilang fans naman ang nagsabing posibleng panibagong blessings na natanggap ang iniiyakan ni Alden, at may nagtanong kung may kinalaman ba ito sa blockbuster movie ng aktor at ni Kathryn Bernardo—ang Hello, Love, Goodbye.
May nagsabi ring naipit marahil sa traffic si Alden pauwi sa Laguna, at sa matinding pagkadismaya ay napaiyak ang aktor.
A GIFT FROM MAINE
Gayunman, dalawang fans ang nag-tweet na nahablot umano ang rosary bracelet ni Alden sa event na pinuntahan nito sa San Rafael, Bulacan, nitong Sabado, September 28.
Batay sa tweets ng fans, ang nasabing bracelet ay regalo ni Maine kay Alden, at nanggaling pa sa Rome, Italy.
Reply kay Alden ng may Twitter handle na @mariejoylove (published as is): “Blessed Sunday tisoy. Hug you& feel you right now.
“Kung sino mang may gawa sayo at walang pusong humablot sa bracelet na yan from Rome na bigay ni Meng. Karma ang kapalit.
“Anu ang motive niya, para lucky sya, no way! #ALDUBPaMoreWith Feelings.”

Tweet naman ni @lerrydeguzman (published as is): “Tadtarin sana ng buni at anan humblot ng blessed bracelet mo na bigay ng pinakamamahal mo!
“Haaay grabe pagkaklepto ng may gawa, Hindi kaya napaso sa cross! #ALDUBPaMoreWith Feelings.”


Sa mga litratong posts ni Alden sa social media, mapapansing lagi niyang suot ang naturang rosary bracelet.
Hulyo 2015 nang unang i-post ni Alden sa Twitter ang litrato ng parehong rosary bracelet, kaya nangangahulugang mahigit apat na taon na iyon sa kanya.
Glory to the Lord, God almighty. ???????? Good morning Dabarkads. ?? pic.twitter.com/YJ3t0OMAfq
— Alden Richards (@aldenrichards02) July 29, 2015
Isa namang Twitter user ang nagkomento na napansin niyang hindi na nga suot ni Alden ang bracelet nang dumalo ang aktor sa 2019 ComGuild Media Awards kahapon, September 29.

Sa nabanggit na seremonya na ginanap sa Ateneo de Manila University, ginawaran ng Most Popular Television Personality of the Year award si Alden.
