Libu-libong Pinoy fans kabilang ang ilang celebrities ang pinasaya at pinakilig ng Korean superstar at certified "oppa" na si Park Seo Joon sa first fan meet nito sa Pilipinas na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nung Linggo, September 29.
Na-overwhelm ang tinaguriang Korean RomCom Master nang makita ang nagsidagsaang fans sa MOA Arena para lang makita siya.
Ilan sa fans na umeksena ay may mga dalang placards ng nagpapahayag ng kanilang love kay Seo Joon, habang may isa pang nakasuot pa ng belong pangkasal dahil gusto na raw niyang pakasalan ang Korean actor.
Ang The Clash judge na si Ai-Ai delas Alas, sinabi pang kung wala lang siyang asawa ay pagtataksilan niya ang asawa para lang kay Seo Joon.
Panoorin ang report ni Nelson Canlas para 24Oras: